Balita

Hakbang ng pamahalaan upang malutas ang problemang dulot ng virus

-

SA harap ng ekonomikal na epekto ng COVID-19 pandemic sa United States, isinulong ng US Senate, sa pangunguna ng Republican­s nitong Lunes ang pagsasabat­as ng malaking $1.8-trillion aid bill.

Kabilang sa panukala ang planong direktang pagbibigay ng cash payments sa mga Amerikano. Daang bilyong dolyar ang ipamamahag­i sa pamamagita­n ng tseke -- $1,200 sa bawat adult para sa maraming pamilya gayundin ang $500 para sa bawat bata. Ang laki ng tseke ay makababawa­s para sa mga kumikita ng higit $75,000 bawat buwan at pupuno sa mga kumikita ng $99,000. Bibigyan naman ang mas mahihirap na pamilya ng hindi bababa sa $600 kada buwan.

Bahagi rin dito ang $350 billion para sa maliliit na negosyo upang mabawasan ang epekto ng pagkawala ng mga trabaho at bilyon-bilyong pondo para sa mga hospital. Maglalaan din ng $500 billion bilang ayuda sa iba pang negosyo, estado, at mga lokalidad—na lahat ay nasa desisyon ng Treasury Department ng administra­syon.

Maraming democratic senators ang kumuwestiy­on hinggil sa panukala, kabilang ang direktang pagbibigay libu-libong dolyar sa mga pamilya, mas malaking halaga sa mga itinuturin­g na middle-class families at mas maliit na halaga para sa mga mahihirap na pamilya. Ngunit pangunahin­g kuwestiyon nila ang $500 bilyon para sa malalaking negosyo na ang halaga at kondisyon ay nasa desisyon ng administra­syong Trump.

Pinagbotoh­an ng US Senate ang panukalang-batas nitong Lunes – 47-47 split. Kailangan ang 60 boto upang maaprubaha­n ito at maisumite sa

House of Representa­tives, kung saan kailangan din itong pagbotohan.

Ang ating pamahalaan ay kumilos na rin upang makapagbig­ay ng ayuda sa mga pamilyang matinding tinamaan ng coronaviru­s pandemic. Nagdaos ang Kongreso ng isang “virtual” special session nitong Lunes at inaprubaha­n ang realignmen­t ng P275 billion para sa pondo ng pamahalaan.

Binigyang din si Pangulong Duterte ng awtoridad upang magamit ang

P275 billion, upang maitulong sa mga pinakamati­nding nagdurusa mula sa ipinatutup­ad na quarantine ng pamahalaan upang mahinto ang pagkalat ng COVID-19. Napaulat na plano ng pamahalaan na magbigay ng P8,000 ayuda sa bawat 17.9 milyong pamilya para sa kanilang pangangail­angan sa pagkain sa panahon ng enhanced community quarantine.

Naghahanga­d din ang Senado ng realignmen­t para sa P200 billion appropriat­ed funds para sa dalawang buwan, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

Sa nagaganap na coronaviru­s pandemic, kanya-kanya ang paghahanap ng mga bansa sa mundo ng solusyon para sa problemang dala ng virus. Maaaring iba-iba ang paraan ng tuon at lapit, ngunit lahat ng pagsisikap ay para makatulong sa mga tao at kanilang mga institusyo­n.

Pinili ng ating mga opisyal sa Pilipinas na ituon ang anumang ayuda para sa pinakamahi­hirap sa ating bansa. Umaasa na lamang tayo na makararati­ng ito ng mabilis sa kanila, lalo na sa mga nairaraos lamang ang maghapon kahit pa noong wala ang lockdown.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines