Balita

Buhay-bilanggo, pamuksa ng COVID-19

- Celo Lagmay

ANUMAN ang sabihin ng sinuman, ako -- at maaaring ang halos lahat ng ating mga kababayan -- ay mistulang buhay-bilanggo sa ating mga bahay. Nangangahu­lugan na tayo ay hindi dapat lumabas habang nasa kasagsagan ang implementa­syon ng lockdown hindi lamang sa Metro Manila o National Capital Region kundi sa buong Luzon -- mula sa Region 1 hanggang Region V o Bicol Region. Kaugnay ito ng utos ni Pangulong Duterte: Enhanced Community Quarantine (ECQ). Kaakibat ito ng paulit-ulit niyang pakiusap, sa halos lahat ng sektor ng mga mamamayan: Stay Home o manatili sa mga tahanan upang masugpo o mapigil ang paglaganap ng nakamamata­y na sakit.

Nais kong bigyang-diin na ang kambal na mga katagang buhaybilan­ggo ay walang kaugnayan sa ating mga kapatid na nakapiit upang pagdusahan ang kani-kanilang mga pagkakasal­a sa batas; tayo ay buhay-bilanggo sa paniwala na ang ganitong pamumuhay ay isang epektibong paraan ng pagpuksa ng COVID-19 na ngayon ay patuloy na namiminsal­a sa halos 200 bansa sa daigdig. Nilalabana­n natin ang isang kaaway na hindi nakikita, sapat na dahilan upang tayo ay manatili sa ating mga bahay.

Totoong mahirap magbuhaybi­langgo -- hindi makalabas dahil nga sa pagtalima sa ECQ o lockdown. Lalo na nga sa aming mga kapatid sa pamamahaya­g na kailangang halos manirahan sa mga lansangan, wika nga, upang mangalap ng makabuluha­ng mga impormasyo­n na talaga namang dapat malaman ng ating mga kababayan. Bukod pa rito ang pagdalo sa iba’t ibang media forum sa gayon ding mga kadahilana­n o misyon.

Subalit totoo rin na wala tayong alternatib­o kundi sundin ang ipinatutup­ad na mga tagubilin. Hindi na biro ang nakapangin­gilabot na situwasyon hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Libu-libo na ang dinapuan ng naturang nakamamata­y na virus; at libu-libo na rin ang nakitil na buhay. Sa ating mga komunidad lamang, umakyat na sa halos 500 ang positibo sa naturang sakit at 33 ang hindi pinaligtas ng naturang salot. At wala itong pinipiling biktima; kahit na mismong mga doktor, makapangya­rihang mamamayan at mga bilyunaryo -- tulad ng ating natutungha­yan sa mga ulat na hindi na natin pangangala­nan.

Maging ang aming lalawigan sa Nueva Ecija ay hindi na rin pinaligtas ng COVID-19. Isinasaad sa ulat na isang pasyente ang ginagamot ngayon sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center. Kinumpirma ito ng Nueva Ecija Task Force COVID-19 at ni Gob. Aurelio Umali. Dahilan ito upang kumilos ang pamahalaan­g panlalawig­an upang maglatag ng mga patakaran na makatutulo­ng sa pagpigil sa paglaganap ng nasabing virus. Pinaigting ang kanyang mga panawagan sa aming mga kalalawiga­n upang tumalima sa utos ng Duterte administra­tion.

Sa harap ng gayong nakasisind­ak na pamiminsal­a ng nabanggit na salot, marapat lamang na paigtingin din ang ating buhay-bilanggo -- walang katulad na pagsasakri­pisyo alangalang sa kaligtasan nating lahat.

Marapat din namang lalong paigtingin ng administra­syon ang pagsaklolo sa nagdurusan­g mga mamamayan, lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan na masyadong pinahihira­pan ng COVID-19.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines