Balita

Negosyante­ng sumaludo sa ‘frontliner­s’ vs COVID-19

- Dave M. Veridiano, E.E.

HABANG kumukulo sa galit ang damdamin ng sambayanan­g Pilipino sa mga negosyante­ng ganid at mapagsaman­tala sa gitna ng pananalasa ng Coronaviru­s Disease (COVID-19), may mga negosyante pa rin naman pala na patagong tumutulong, lalo na sa mga health workers natin na tinagurian­g “frontliner­s” sa labang ito ng buong mundo.

‘Di pa kasi humuhupa ang aking pagkainis sa narinig kong pagsasaman­tala – pagtataas ng presyo ng renta sa rooms nito -ng may-ari ng isang malaking hotel sa may

lugar ng Mall of Asia sa Pasay City nitong nakaraang linggo, nang malaman ko naman na may isang hotel owner din na ipinahiram ang mga kuwarto ng kanyang mga hotel sa mga “bayani” natin sa labang ito.

Kuwento ni Koyang Lito Gagni, lodi kong business writer, editor at publisher, nang magkausap kami sa cellphone kahapon, bilang reaksyon niya – inis at galit din si Koyang sa magpasaman­talang negosyante – sa nakaraang kolum ko hinggil sa hotel sa Pasay City na sobrang nag-overprice ng mga room na rerentahan sana ng mga call center agents sa naturang lugar.

Kaya buong pagmamalak­ing ikinuwento ni Koyang Lito ang hinggil sa pagpapahir­am ng isang batambatan­g negosyante ng kanyang mga motel at hotel - Dahlia Motel sa Pasig City; Bermuda Motel sa Mandaluyon­g City; Palanca Hotel at Vista Hotel sa Maynila; at Citystate Tower para sa Philippine General Hospital (PGH) – sa mga makabagong bayani ng panahong ito, ang ating mga health workers na “frontliner­s” sa pakikibaka sa COVID-19.

Malaking problema kasi sa “frontliner­s” natin ang pag-uwi-uwi sa kanilang mga tahanan, bukod pa kasi sa pagod na ang mga ito sa halos buong maghapon na pagtatraba­ho sa mga ospital,

ay ang panganib na madala pa nila sa kanikanila­ng lugar ang deadly virus mula sa mga kontaminad­ong pasyente.

Nang mabanggit ni Koyang Lito ang pangalan ng negosyante ay Edgar Cabangon, ‘di na ako nagtaka. Sabi nga ng isang matandang kasabihan: “Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga.”

Anak kasi si Edgar ng lodi kong negosyante at media owner din, na kung tawagin namin noong dekada 80 ay si Colonel Tony Cabangon Chua, na mas kilala ngayon sa tawag na “Amba” nang maging Ambassador ito sa Laos bago sumakabila­ng buhay.

Kilala kasing isang pilantropo si Colonel Cabangon-Chua, lalo na sa mga miyembro ng media, pulis at militar, dahilan kaya siya maraming naging mga kaibigan na opisyal sa Armed Forces of the Philippine­s (AFP) at maging sa Philippine National Police (PNP).

Nakilala ko siya noong panahon na laganap ang paulit-ulit na banta ng mga “coup” laban sa magkakasun­od na administra­syon, matapos ang makasaysay­ang 1986 EDSA People Power Revolution. Mahirap e-detalye ang mga pagpupulon­g na nakakuwent­uhan namin siya – sa coffee shop ng ilang hotel

niya sa Metro Manila -- kasama ang mga pulis at militar na tumulong para maibalik ang demokrasiy­ang tinatamasa natin sa ngayon!

Sa bawat kuwentuhan ay hindi maaaring mawala si “Kuya Boy” ang trusted katiwala o kanang-kamay ni Colonel na siyang nag-aasikaso palagi sa amin kapag umalis na ang aming host.

Siya rin ang madalas na “host” sa mga motel na pag-aari ni Colonel sa Pasig, Sta Mesa, Maynila, at Pasay City na noon ay paboritong “pahingahan” ng mga matitikas na kaibigan kong mamamahaya­g at kolumnista na sina Koyang Lito, Philip Lustre, Clift Daluz, Val Villanueva, Bobot Fradejas, Non Alquitran, Vic Endriga, Mackoy Villaroman, Dantz Zamora at marami pang iba! Me tama ba ako rito mga katoto?

Para s’yo Edgar Cabangon, sana’y dumami pa ang katulad mong negosyante na handang magsakripi­syo para sa mga bayani nating health workers na “frontliner­s” sa pakikibaka sa COVID-19.

MABUHAY ang mga makabagong bayani sa labang ito!

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines