PAF, tumulong sa na-stranded sa Baguio

Balita - - Opinyon - Liezle Basa Iñigo

Sinundo na ng mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF) ang mga pasaherong hindi nakabiyahe na na-stranded sa Baguio City dahil sa ipinatutup­ad na enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon sa Tactical Operations Group (TOG) 1 ng PAF, sinundo na nila ang mga ito nang maipit sila sa implementa­syon ng

ECQ, mula pa nitong Marso 16.

Kabilang sa mga na-stranded ang dalawang estudyante mula sa University of Cordillera­s at limang empleado ng business process outsourcin­g (BPO).

Mismong ang TOG1 Airforce personnel, na nakabase sa Laokan, Baguio City, ang nagdala sa mga istranded sa Pangasinan.

Dumaan muna ang mga ito sa City Health Center para sa preliminar­y procedures kabilang ang temperatur­e checks .

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.