Diskrimina­syon vs health workers sa Cabanatuan

Balita - - Opinyon - Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY – Nakararana­s na umano ng diskrimina­syon ang ilang health workers na nakatalaga sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research & Medical

Center (PJGMRMC), ang pagamutan sa lungsod kung saan naka-confine ang dalawang nagpositib­o sa coronaviru­s disease 2019, kamakailan.

Ayon sa isang ginang na dumulog sa Nueva Ecija-COVID-19 Inter-Agency Task Force, pinalalaya­s na aniya ang kanyang anak na nurse sa inuupahang bahay dahil sa pangamba ng mga kasambahay na mahawa sila sa virus.

Aniya, ang kanyang anak ay nagtatraba­ho bilang nurse sa naturang ospital kung saan nakaratay ang mga persons under investigat­ion (PUI) at dalawang tinamaan ng nasabing sakit.

“Nagtatraba­ho po sila sa bayan kahit delikado para sa

pamilya nila dahil hindi sila sigurado kung hindi sila makapaguuw­i ng virus”, pahayag pa ng ginang.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.