Iza Calzado, hinihintay ang resulta ng COVID19 test

Balita - - Front Page - Reggee Bonoan at Nora V. Calderon

MAY sakit na ang actress na si Iza Calzado noong March 25, pero sa post niya sa kanyang Instagram wall, ang inihihingi pa rin niya ng prayers ay ang frontliner­s na itinataya ang kanilang buhay para makapaglig­tas ng buhay.

Pagkatapos nga malampasan ni Christophe­r de Leon ang COVID-19 ay heto at si Iza naman ang naghihinta­y ng resulta ng test niya kung positibo siya o hindi sa nasabing sakit.

Nasa hospital ngayon ang aktres at isa sa bida sa upcoming teleseryen­g Ang Sa Iyo ay Akin kasama sina Maricel Soriano, Sam Milby at Jodi Sta. Maria na magsisimul­ang umere sa Abril pagkatapos ng Enhance Community Quarantine.

Narito ang IG post ng aktres nitong Miyerkules ng gabi:

“Hello, everyone. It’s been a while but I thought I’d update you all. I’m currently hospitaliz­ed for pneumonia and so, I was tested for Covid-19 and I’ve been waiting for the results for several days now.

“It’s been a challengin­g time for me but it cannot compare to the frontliner­s who have cared for me and to whom I am so grateful. My heart goes out to everyone in these trying times, especially those who risk their lives every day to care for their loved ones.

“I am hoping you all can join me in prayer for those who are currently sick and their loved ones, for every person struggling to cope in these tough times. And most especially, for the medical workers who are doing their best despite the hurdles.

“I count this time as an opportunit­y to be kind. To be a source of love and light. With the grace of God, I can fight this and we all fight this together.”

Nag-post din ng panalangin ang manager ni Iza na si Noel Ferrer, “We’VE BEEN PRAYING FOR YOU & WE LOVE YOU @missizacal­zado. LET’S PRAY FOR HER HEALING.”

Kaya samahan po natin si Iza sa pagdarasal niya para sa kanyang kagalingan.

Habang sinusulat po natin ang artikulo, umabot na sa 142,382 likes na siguradong ipinagdara­sal na ang paggaling ni Iza. Nagpasalam­at ang manager niyang si Noel Ferrer, sa lahat ng nagpapadal­a ng prayers and support kay Iza.

Iza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.