SEN. ANGARA, POSITIVE RIN

Balita - - Front Page - Nina LEONEL ABASOLA, ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at MARY ANN SANTIAGO

Positibo na rin sa coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) si Senador Sonny Angara, ang ikatlong senador na nagkumpirm­a na nahawaan ng naturang sakit.

“I regret to announce that today, March 26, I received my test result and it is positive for COVID-19. I have been feeling some symptoms like mild fever, cough, headache and general weakness,” pahayag ni Angara.

Sinabi pa nito na nag-self-quarantine (SQ) na siya mula pa noong Marso 16, at wala na rin siyang nakahalubi­long tao.

Nauna ng nagpositib­o si Senate Majority Leader, Juan Miguel Zubiri na kasalukuya­n pang nasa SQ habang si Sen. Aqulino “Koko” Pimentel II naman ay humingi na ng kapatawara­n sa Makati Medical Center (MMC) matapos na magpositib­o din ito.

Pumunta pa kasi sa MMC si Pimentel para ihatid ang kanyang asawang mangangana­k na.

Umani ng batikos si Pimentel mula sa netizens at maging sa pamunuan ng MMC.

“I apologize to MMC for being in their hospital on the evening of March 24, 2020 which may deemed to be a breach of their safety/containmen­t protocols, I never intended to breach any protocol but I realize now that my presence in MMC unnecessar­ily caused additional anguish and concern to the courageous frontline health workers we all depend on. I was simply there to be with my wife during the birth of our daughter,” sabi pa ng senador.

Nauna ng sinabi ni MMC Director Saturnino Javier na nalagay sa alanganin ang mga narses, ,manggagamo­t at staff ng MMC sa pagdalaw ni Pimentel.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.