NOGRALES, NAG-SELFQUARAN­TINE

Balita - - News - May dagdag na ulat nina Beth Camia, Liezle Basa Iñigo, Leandro Alborote, at Bert de Guzman

Nagpasya na ring mag self-quarantine si Nograles.

Ayon kay Nograles, kusa niya itong ginawa kahit wala naman siyang direktang nakasalamu­hang nagpositib­o sa COVID 19 at wala siyang nararamdam­ang sintomas ng sakit.

Aniya, nasa second generation ang kanyang category kung tutuusin na ang ibig sabihin ay pwedeng hindi siya magself quarantine subalit minabuti na aniya nyang gawin kaya’t magsisimul­a na rin aniya siyang mag work from home.

Tiniyak ni Nograles na tuluy tuloy pa rin ang trabaho ng IATF pero magiging teleconfer­encing na ang kanilang set up.

Sa kabilang dako, maliban kay Nograles, nag self quarantine na rin sina Budget Secretary Wendel Avisado, DSWD Secretary Rolando Bautista, DILG Secretary Eduardo Año, at Presidenti­al Adviser on the Peace Process Carlito Galvez Jr. na pawang nakahalubi­lo ni Cong. Eric Yap na COVID 19 positive.

Sinabi ni OPAPP Spokespers­on Wilben Mayor na “kasama siya nina Galvez at Yap sa meeting noong Sabado sa Malacanang. 28 MANGINGISD­A, SINUSURI Isinailali­m sa medical examinatio­n ang 28 mangingisd­a na sakay ng apat na fishing vessel para matiyak kung ang mga ito ay carrier ng COVID-19.

Sa ulat ng Ilocos Sur Police, apat na fishing vessel ang nakatigil sa sea Water ng Bgy. Mambog, Sta. Cruz, Ilocos Sur kaya agad itong itinawag sa Philippine Coast Guard Sub Station sa Candon City, Ilocos Sur.

Natukoy na ang fishing vessel ay nagmula sa Tibanban, Governor Generoso, Davao Oriental at sakay ang nabanggit na bilang ng mangingisd­a nang mamataan nitong Miyerkoles ng 11:40 ng umaga.

Lumilitaw na noong Marso 15 , inupahan ang mangingisd­a ng isang Jesus Weeng na madeliver ng nasabing fishing vessel sa isang Marlene Vilog Corpuz, 62, negosyante, sa nabanggit din lugar.

13,843 PUM SA TARLAC Aabot na sa 13, 843 persons under monitoring (PUM) ang naitala ng Tarlac Provincial Health Office.

Inihayag naman ni Speaker Alan Peter Cayetano na naglaan ang Kongreso ng P275 bilyon ngayong 2020 para labanan ang pagkalat ng virus.

Ang pondo ay kukunin sa pambansang budget alinsunod sa batas na pinagtibay ng magkasanib na sesyon ng Kamara at Senado noong Lunes. Bibigyan ng kapangyari­han si Pangulong Duterte na i-realign o ayusin ang mga pondo ng iba’t ibang departamen­to para sa pagsugpo sa corona virus.

“The administra­tion’s economic team has studied this very carefully. It assures us that we are still in a very good fiscal position even after we survive this crisis,” ayon sa kongresist­a.

Sinabi ng Speaker na natukoy ng Department of Finance at Dep’t. of Budget and Management ang 18 milyong mahihirap na pamilya na tatamaan ng Luzon-wide lockdown na idineklara ng Pangulo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.