Caloocan, umalma vs ‘fake news’

Balita - - News - Orly L. Barcala

Pinalagan kahapon ng Caloocan City government ang kumakalat na impormasyo­n na expired na ang mga canned goods na ipinamamah­agi sa mga residenten­g apektado ng enhanced community quarantine.

Binanggit ni Mayor Oscar Malapitan, wala itong katotohana­n dahil ang ipinamimig­ay na relief foods ay direktang galing sa mga supplier at lahat ng pagkain ay nasa maayos na kondisyon.

“Hindi po nasisira ang ulo ng mga namumuno sa Caloocan City na bibigyan namin ng pagkain expired ang aming kababayan, lalo na sa ganitong panahon,” sabi ni Mayor Malapitan.

Sa ngayon ay gamit ng Local Government Unit (LGU) ang calamity fund at nakapagpib­gay na sila ng mahigit 50,000 food packs sa ilang pamilya sa lungsod at target na makapgbiga­y pa ng 450,000 relief foods sa mga darating na araw.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.