Balita

Bagong virus infections sa Italy, bumulusok sa pinakamaba­ba

-

Natanggap ng Italy nitong Martes ng mas nakakapagp­alakasloob na ebidensiya na bumabagal na ang kanyang coronaviru­s infection rate bunga ng painful lockdown na sinisimula­n pa lamang ipatupad sa ibang bansa na pumilay sa ekonomiya.

Binubusisi ng health officials sa buong bansa ang bawat piraso ng bagong data upang makita kung ang dalawang Iinggo ng mga pagbabawal at pagsasara ay nakabawas sa krisis.

Ang pinakamalu­lupit na pagbabawal ay magpapaso sa Miyerkules ng gabi -- ngunit tiyak na palalawigi­n sa ilang porma ng ilang linggo o buwan.

Ang 743 bagong bilang ng mga namatay ay pinutol ang dalawang magkasunod na araw ng pagbaba, na dinala ang mga bilang sa 601 nitong Lunes. Nagtakda ito ng record nitong Lunes nan793 fatalities nitong Sabado.

Ngunit ang opisyal na naitalang bagong impeksiyon ay tumaas lamang ng 8 porsiyento-- pareho sa Lunes at ang pinakamaba­bang antas simula nang mairehistr­o ng Italy ang una nitong namatay noong Pebrero 21.

Tumatakbo ito sa taas na 50 porsiyento nang magsimula ang Marso.

“The measures we took two weeks ago are starting to have an effect,” sinabi ni civil protection service chief

Angelo Borrelli sa pahayagang La Repubblica bago lumabas ang bilang nitong Martes.

Sinabi niya na mas maraming data sa mga susunod na araw ang nakatutulo­nf upang maipakita “if the growth curve is really flattening.”

Inaasahan ng ilang scientists na susundan ng mga numero sa Italy -- kung talagang bumababa ito -- na sundan ang tuloy-tuloy na pababang linya.

Ang pagbagal ng contagion rate ay magbibigay ng pag-asa sa gitna ng global health emergency na palala pa lamang sa ibang bahagi ng Europe at ng United States.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines