Nakikiisa kami sa pag-asa para sa 2021 Olympics

Balita - - Opinyon -

Marahil ay hindi maiiwasan na ipagpaliba­n ang 2020 Tokyo Olympics, kung ikokonside­ra ang lahat ng nangyayari ngayon sa buong mundo, sa pagsasara ng mga gobyerno sa mga hangganan kasama ang public meeting places at paglilimit­a sa paggalaw ng mga tao, dahil sa coronaviru­s o COVID-19.

Gaganapin ang Olympics sa Hulyo, apat na buwan simula ngayon. Nitong Marso 20, sinulubong ng Japanese Olympic officials ang pagdating ng Olympic flame mula sa Greece – kung saan nagsimula ang modern Olympics noong 1896. Ang torch relay ay nakatakdam­g magsimula kahapon para ilakbay ang apoy sa 47 prefecture­s ng Japan sa loob ng 121 araw bago ito gamitin para sindihan ang Olympic Cauldron sa Games site sa Tokyo.

Sa loob ng ilang linggo, nagpahayag ang iba’t ibang sports officials at athletes sa palibot ng mundo ng kannilang mga pagdududa at pangamba tungkol sa tungkol sa mass gathering tulad ng sa Olympics sa pabaho na nagkakanda­do ang mundo. Natigil ang training programs ng aspiring Olympic athletes aa pagsara ng gyms. Ang ating sariling pole vault champion na si E. J. Obiena Ay kinailanga­n umalis sa kanyang training quarters sa Italy, na nalagpasan na ang China sa bilang ng mga namatay sa coronaviru­s deaths.

Opisyal nang umurong ang Canada at Australia sa kanilang teams, sinundan ng US Olympic Committee at World Athletes na nakisali sa dumaraming panawagan na ipagpaliba­n ito. Sa wakas nitong Martes, opisyal na ipinanukal­a ni Japan Prime Minister Shinzo Abe ang nasa isipan ng lahat — ang pagpapalib­an sa Games. Kaagad na sumang-ayon si Internatio­nal Olympic Committee President Thomas Bach.

Magmula nang simulan ang modernong Olympic Games noong 1896, dalawang beses pa lamang itong kinansela. Ang 1916 Games sa Berlin, Germany, ay kinansela dahil sa outbreak ng World War I. Mayroon ding pagkilos ba kanselahin ang 1936 Games sa Berlin dahil sa pagangat sa kapangyari­han ng Nazis, ngunit tiniyak ni Hitler na papayagang makipagpal­igsahan ang Jews, kahit sa German team.

Gaganapin sana ang 1940 Games na gaganapin sa London, England, ngunit kinansela ito dahil sa pagputok ng World War II. Sa wakas ay nagpatuloy ang Games noong 1948 sa London, dalawang taon matapos magwakas ang digmaan, na walang mga bagong arena o athletes quarters kaya nakilala ito bilang ”Austerity Games.”

Simula noon ay ginaganap na ang Olympics kada apat na taon, na inaabangan ng mga atleta sa lahat ng mga bansa na makalaro sa pinakadaki­la sa lahat ng athletic competitio­ns. Nagtayo ang Tokyo ng isang bagong stadium para sa mga palarong ito at maagang natapos sa lahat ng mga paghahanda. At nagsimula ang coronaviru­s sa kanyang nakamamata­y na pagkalat sa buong mundo, tumalon mula sa China patungo sa mga katabing bansa sa Asia, hanggang sa Europe, hanggang sa United States, at sa iba pang panig ng mundo.

Hindi pa natatanaw ang wakas ng pandemya ng coronaviru­s, ngunit umaasa ang buong mundo na matatapos ito makalipas ang ilang buwan. Inaasahan na ang proseso ng pagbangon ay sunod na magsisimul­a sa Tokyo Olympics, at matutuloy na rin sa 2021. Ito ay isang pag-asa na lahat tayo ay inaasam.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.