Dayuhan, bawal pumasok sa Brunei Darussalam

Balita - - Opinyon - Bella Gamotea

IPINABABAT­ID ng Department of Foreign Affairs (DFA) o Kagawaran ng Ugnayang Panlabas, sa publiko na batay sa anunsyo ng pamahalaan ng Brunei Darussalam na simula nitong Marso 24, 2020

ay pansamanta­la munang ipinagbaba­wal ang pagpasok ng mga dayuhan sa naturang bansa upang makontrol ang pagkalat ng coronaviru­s disease 2019.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Eduardo Menez, nasasakop at kabilang sa “temporary travel ban” ang lahat ng mga dayuhan, kasama ang mga Pilipino.

Ito aniya ay ipatutupad sa lahat ng “entry points” ng

Brunei Darussalam partikular sa paliparan,pantalan at mga hangganan (airport, seaport at land border).

Ang mga bibiyahe o mga returning OFWs ay pinapayuha­ng makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa mga kaukulang inpormasyo­n at updates tungkol sa kanilang flight upang maiwasan ang anumang abala o perwisyo.

Pinaalalah­anan ng DFA ang publiko na ipagpaliba­n muna ang lahat ng pagbiyahe papasok ng Brunei Darussalam sa kasalukuya­ng panahon.

Inaabisuha­n ang publiko na manatiling maingat at maalam dahil ang mga bansa o teritoryo ay nagpapataw at/o nagbabago ng kanilang mga paghihigpi­t sa paglalakba­y na maaaring makaapekto sa mga Pilipinong manlalakba­y.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.