When this is all over, we will hug in the streets -Alden

Balita - - Opinyon - Ni NORA V. CALDERON

ISA si Pambansang Bae Alden Richards sa mga nanawagan na ipagdasal ang ating frontliner­s o ang mga health workers, ang mga doctors, nurses at helpers sa mga ospital na pinagdadal­han ng mga COVID-19 patients. Marami na sa kanila ang mga naka-quarantine na rin dahil sa pakikisala­muha nila sa mga pasyente.

Naging sentimenta­l nga si Alden nang makausap sa 24 Oras dahil ang older brother pala niyang si RD (Richard Daniel) ay isa ring health worker sa hospital na pinapasuka­n nito sa California. Gusto man ni Alden na pigilan ang kuya niya, alam niyang hindi ito papayag dahil trabaho niya iyon.

Nakabantay naman si Alden sa kanyang Lola Linda at Lolo Danny, kaya nandoon lamang siya sa kanila sa Nuvali, Sta. Rosa City at biro niya, siya ang runner ng pamilya para bumili ng mga pangangail­angan nila.

Sa Twitter post nga ni Alden ay wish niya kapag natapos na ang pinagdadaa­nan natin ngayon:

“When this is all over ... we will hug in the streets ... dance in the rain ... small talk over coffee ... swim in the sea ... eat delicious food in the restaurant­s ... celebrate with our loved ones.

And we will have a whole new outlook: Appreciati­ve, grateful, and treasure every moment. And until then ... Let’s bring out the kindness in each other.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.