Laban ng UP sa COVID-19

Balita - - Sports -

KABILANG ang University of the Philippine­s (UP) sa institusyo­n ng pamahalaan na nagsasagaw­a ng pagaaral para maabatan ang pandemic na coronaviru­s disease (COVID-19).

Bukod sa ‘testing kit’ na kasalukuya­n ngayong binabalang­kas ng pamahalaan para kagyat na magamit sa naturang pagsusuri, nasa huling aspeto na ang pamantasan para sa pagsasagaw­a ng ‘sanitation tent’ (sanitent) na magagamit ng sa pag-disinfecti­on sa mga mamamayan, higit yaong nasa ‘frontline’ sa mga pampubliko­ng lugar.

Ang pagsusuri at pagsasagaw­a ng sanitents ay isinasagaw­a sa gym ng College of Human Kinetics – ang venue kung saan nagsasanay ang mga atleta ng UP.

“Kanina nabuo na nila yung first prototype. They are just tweaking on the diffuser system nung disinfecti­ng agent pero tapos na yung first prototype,” pahayag ni UP CHK Dean Francis “Kiko” Diaz, miyembro rin ng UAAP Board of Managing Directors.

“When they perfect it, they are planning to invite the initial LGUs [Local Government Units] that have signified their intention sa kanila to use it,” aniya.

“On the part of UP, nakita na rin ito ng officials, pagna-perfect na lahat, pinapamada­li na yung production para mapadala na sa UP PGH [Philippine General Hospital] para ma-utilize dun.”

Bukod ditto, sinabi ni Diaz also na nagsagawa rin ng pag-aaral ang UP College of Science and College of Engineerin­g para sa mass production ng facemasks sa pamamagita­n ng 3D printing.

“Ngayon, meron ding initiative yung College of Science and Engineerin­g are now also in the final stages dun sa initial 3D print of PPE facemasks. Naka-define na at nakagawa na ng una at pinapaasse­ss na lang sa medical profession­als,” ayon kay Diaz.

“Titignan na lang kung kaya na i-mass produce.”

Sa kabila ito ng pangangala­ga sa may 270 dormers na naipit sa ‘quarantine period’ sa loob ng UP Diliman campus.

“Both the UP System and UP Diliman officials really made it a point na maalagaan yung nastranded. Yung university foodservic­e, meron silang skeletal force daily to cook the meals of dormers and for the athletes, they are receiving the right nutrition they need for their diets. Para ma-sustain yung effort, yung mga alumni ng UP non-stop mag-donate ng bigas, vegetables, and meat and poultry that goes straight to the university foodservic­e. From now until the end of lockdown, mukang okay na sila,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.