Balita

Lady doctor, namatay sa COVID-19

-

Pumanaw na rin dahil sa COVID-19 si Dra. Sally Gatchalian, ang kapatid ng komedyante at television host na si Ruby Rodriguez, ng Eat Bulaga, kahapon.

Ayon kay Dr. Rustico Jimenez, pangulo ng Private Hospital Associatio­n of the Philippine­s (PHAP), dakong 3:00 ng madaling araw nang bawian ng buhay si Gatchalian, na assistant director ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), matapos siyang i-intubate dahil sa hirap nang huminga habang naka-confine sa pagamutan.

Bago umano tuluyang binawian ng buhay, nakapagpaa­lam pa si Gatchalian, na pangulo ng Philippine Pediatrici­an Society (PPS).

Sa isang post sa kanyang social media account, sinabi ni Gatchalian na, “It’s now time to say goodbye”.

Kinumpirma rin naman ni Rodriguez ang pagpanaw ng kapatid.

Nagbigay pa ito ng mensahe na “I love you so much, my big sister. Smile. Say hi to Mom, Dad and Manong Robert. Be at peace, do not worry about us anymore. Have fun in heaven! Love you so much!!!”

Kaugnay nito, kinumpirma rin ni Jimenez na si Gatchalian ang ika-9 na doktor na nasawi dahil sa COVID-19.

“Pang-siyam na po si doktora Sally,” ani Jimenez, sa panayam sa radyo.

Ani Jimenez, may ulat na may isa pang doktor ang nalagutan na rin ng hininga dahil pa rin sa COVID-19 ngunit kinukumpir­ma pa aniya nila ito.

Kung totoo ang ulat, ito na ang magiging pang-10 doktor na namatay dahil sa virus.

Bukod kay Gatchalian, kabilang sa mga bayaning doktor na namatay habang nakikipagl­aban sa COVID-19 sina Dr. Raul Jara, cardiologi­st, Philippine Heart Center; Dr. Marcelo Jauchico ng Pampanga Provincial Health Officer; Dr. Israel Bactol, cardiologi­st, Philippine Heart Center; Dr. Rose Pulido, oncologist, San Juan de Dios Hospital; at Dr. Greg Macasaet, anaesthesi­ologist, Manila Doctor’s Hospital. Mary Ann Santiago

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines