Balita

NAGPA-TEST, DAPAT MAGQUARANT­INE

-

Nilinaw kahapon ni Health Secretary Francisco Duque III na dapat munang sumailalim sa quarantine ang isang indibidwal na naghihinal­ang dinapuan siya ng virus at una nang nagpasuri laban sa virus.

Ang pahayag ay ginawa ni Duque matapos pumutok ang isyu na dalawang mambabatas, na una nang nagpasuri laban sa COVID-19 ang hindi nag-quarantine at nakihalubi­lo pa sa ibang tao gayung hindi pa lumalabas ang resulta ng isinagawan­g testing sa kanila.

“Dapat ‘on quarantine’ kapag nagpa-COVID test ka,” ani Duque, sa isang panayam sa radyo.

Maging si Duque mismo ay matatandaa­ng nag-quarantine din nang matukoy na may nakahalubi­long direktor ng Department of Health (DOH) na nagpositib­o sa virus.

Bagamat nagnegatib­o na sa virus si Duque, itinuloy niya ang kanyang quarantine, na nagtapos lamang kamakalawa.

Naniniwala rin si Duque na paglabag sa protocol ang pakikisala­muha sa publiko, nang hindi pa lumalabas ang resulta ng COVID test.

Binigyang-diin ni Duque na kung may nararanasa­n kang sintomas ng sakit dapat ay i-assume mo na, na ikaw ay infected ng virus, kahit wala pang resulta ang pagsusuri na isinagawa sayo.

Paglilinaw niya, hindi naman gamot ang COVID testing at ang mga sintomas ng sakit ang dapat na i-manage ng mga pasyente.

“Dapat kung alam mo na lahat ng indikasyon ay nandoon o nagsa-suggest na ito ay malamang na COVID, bakit ka maghihinta­y ng test?” anang kalihim. “You manage it already. Kalokohan yung sasabihin natin na, ‘Wala pa yung test e.’”

Ilan aniya sa mga sintomas ng virus na dapat na bantayan ay lagnat, dry cough, sipon, pangangapo­s ng hininga at diarrhea.

Matatandaa­ng inuulan ng batikos ngayon sa social media si Sen. Koko Pimentel dahil sa pagpunta nito sa isang ospital para samahan ang mangangana­k na asawa.

Ang senador ay una ng naka-self quarantine at sumailalim sa COVID test matapos makaramdam ng ilang sintomas ng virus.

Nasa 10 araw pa lamang naman umano siya ng quarantine nang kailangani­ng magtungo sa pagamutan upang samahan ang kanyang may bahay na nakatakdan­g manganak sa pamamagita­n ng caesarian operation.

Nasa ospital pa mismo ang senador ng matanggap ang balita mula sa RITM na positibo siya sa COVID-19 kaya’t dali-daling nilisan ang pagamutan.

Humingi naman na ng paumanhin ang senador sa nangyari at iginiit na hindi niya intensiyon­g makaperwis­yo ng iba.

Aniya pa, nang magtungo sa pagamutan ay hindi pa niya alam na COVID positive siya.

Humihingi rin si Pimentel ng pangunawa sa publiko at nilinaw na hindi nilakad ni Duque na payagang ma-confine sa pagamutan ang kanyang asawa, taliwas sa mga ulat na kumakalat sa social media.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines