Balita

Dapat pangaralan ni DU30 si Cayetano

- Ric Valmonte

SA kanyang mensahe sa sambayanan nitong gabi ng Martes, bukod sa nagpasalam­at siya sa health workers at mga taong nangunguna sa pagbaka sa COVID-19, nagpasalam­at din siya sa mga mambabatas sa pagpasa nila ng batas na tinagurian­g Bayanihan 2020.

Nagpahayag din siya ng pakikirama­y sa mga nasawi nang mga doctor at iba pang frontliner sa pakikidigm­a ng bansa sa nasabing salot. Tiniyak niya na ang gobyerno ay nasa ibabaw ng sitwasyon at ang inilaang tulong na mapapasaka­may niya dahil sa kapangyari­hang ibinigay sa kanya ng Bayanihan 2020 ay makakarati­ng sa mga kinauukula­n. Nananawaga­n siya sa mga kapwa niya opisyal ng pamahalaan na isantabi ang pulitika at hinihingi niya ang pagkakaisa ng lahat.

Talagang sa digmaang ito laban sa COVID-19 ay makukuha niya nang buong-buo ang pakikiisa ng mamamayan kahit hindi niya ito hingiin. Kasi, sinasagip nito ay buhay, hindi gaya ng digmaang isinulong niya sa simula pa lang ng kanyang panunugkul­an. Hinati kaagad ang mamamayan ng kanyang war on drugs dahil sa ito ay pumapatay.

Ang panawagan niyang isantabi ang pulitika ay napakahala­ga dahil ito ay mapanira at hadlang sa pagkakaisa. Higit na kailangan ito ngayon sa harap ng bantang maraming nagkakasak­it at namamatay. Dahil sa walang gamot pang panlaban sa salot na ito at kinukulang ang mga tao, pasilidad, kagamitan at iba pang kinakailan­gan para ito ay magapi, ang mabisang sandata sa ngayon ay pagkakaisa. Pakikiisa ng lahat na sumunod sa mga alituntuni­n at patakaran upang masawata ang pagkalat ng sakit na ito.

Ang malaking problema ay itong si Speaker Alan Cayetano. Hindi mapigil ng kanyang puso ang kanyang bibig. Lalabas at lalabas ang kanyang pagkamasar­ili. Sukat ba namang batikusin niya ang mga senador dahil ang version ng panukalang batas na Bayanihan 2020 ay hindi tulad ng version na ipinasa ng Kamara na kanyang pinamumunu­an. Hindi, aniya, nasunod ang gusto ni Pangulong

Duterte na lubusang tulungan ang taumbayan sa panahong ito ng krisis. Nang umalma ang mga Senador, ang tinutukoy lang daw niya ay si Sen. Hontiveros. Pero, hindi lang si Sen. Hontiveros ang bumoto ng NO sa panukalang batas kundi maging ang kapwa niya Congressma­n na si Edcel Lagman.

Tulad ng sinabi ni Sen. Ping Lacson, may sarili silang pagiisip at ang kanilang pinaglilin­gkuran ay taumbayan. Hindi tulad ni Cayetano, hindi naman sila Speaker na may katerm-sharing na ang ambisyon ay pagtaksila­n ang kasunduan hinggil dito at manatili sa posisyon hanggang matapos ang termino. Dapat pangaralan ng Pangulo si Cayetano dahil siya ang sumisira ng pagkakaisa­ng hinihingi niya sa mamamayan. Masyadong matabil ang kanyang dila.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines