Balita

Kaisa ang Caltex sa paglaban sa virus

-

SA panahon ng krisis, asahan ang pagkalinga ng Chevron companies.

Sa kasalukuya­ng sitwasyon, nagkaloob ang Chevron Philippine­s Inc. (Caltex), marketer of the Caltex brand of fuels and lubricants, ng kabuuang P1 milyon para sa trasportas­yon at equipment na kinakialng­an ng mga health workers at ibang pang frontliner­s na nagsasagaw­a ng kanilang tungkulin para maabatan ang pandemic na COVID-19.

Nagbigay din ang Chevron Holdings Inc. (CHI), ng P500,000 sa Philippine General Hospital Medical Foundation Inc. (PGHMFI) upang magamit sa pagbili ng kinakailan­gang medical supplies and personal protective equipment. Ang PGH ay isa sa tatlong ospital na inatasan ng pamahalaan na tumanggap ng mga pasyente na may COVID-19.

Nakipagtam­balan din ang Caltex sa JAC Liner, isa sa pinakamala­king bus companies sa bansa, para magkaloob ng libreng gasoline na umabot sa P250,000 para sa apat na shuttle buses na ginagamit ng frontliner­s and health workers mula sa Paranaque Integrated Terminal hanggang Alabang, Ortigas at Shaw Boulevard.

Naglaan din ang Caltex Makati Credit Cooperativ­e, pinanganga­siwaan ng mga empleyado ng Caltex, ng P25,000 sa Kaya Natin! Foundation para masustinah­an ang pangangail­angan ng volunteers sa kanilang biyahe patungo sa pinaglilin­gkurang ospital.

Nakipagtam­balan din ang Caltex sa Grab Philippine­s para sa programang GrabBayani­han kung saan naglaan ang Caltex ng P300 gas voucher parea sa Grab volunteer driver-partners sa kabuuan ng ipinapatup­ad na ‘enhanced quarantine’.

“Caltex is one with the Philippine nation and our frontliner­s and health workers in battling this global pandemic. We are actively responding to the COVID-19 outbreak and while we continue to closely monitor our operating environmen­t, we are also supporting PGH, JAC Liner, Kaya Natin! Foundation, and Grab Philippine­s in their mission to help curtail this virus. We hope this crisis will soon be over and that everyone stays safe,” pahayag ni CPI Country Chairman Louie Zhang.

Nananatili namang bukas ang mga istasyon ng Caltex sa buong Luzon upang mapagsilbi­han ang ating mga kababayan, higit yaong bumibiyahe at nagdadala ng mga supply, gamit, pagkain at iba pang pangangail­angan ng ating mga kababayan habang nanatili ang lahat sa kanilang mga tahanan.

Sa mga nagnanais na maikiisa at tumulong, makipag-ugnayan sa PGH at Kaya Natin Foundation.

How to help our COVID-19 frontliner­s

Our health workers stayed at work for us. We can help them while we are staying at home. Through our donation ...

 ??  ?? HINDI nag-atubili ang Caltex sa pakikipagt­ambalan sa pamahalaan at pribadong sector para sa paglaban sa COVID-19.
HINDI nag-atubili ang Caltex sa pakikipagt­ambalan sa pamahalaan at pribadong sector para sa paglaban sa COVID-19.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines