Balita

Apo ni Duterte, pasaway sa ECQ

- Armando B. Fenequito Jr.

DAVAO CITY – Huminingi na ng paumanhin ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si 1st District Rep. Paolo Duterte, sa publiko kasunod ng maling inasal ng anak ng kongresist­a sa ipinatutup­ad na enhanced community quarantine sa nasabing lungsod, kamakailan.

“It has come to my attention that my son, Omar Duterte, went to S & R Davao and he did not line up to conduct the stringent screening requiremen­ts of the establishm­ent,” ayon sa kanya.

Inilabas ng mambabatas ang reaksyon matapos magalit ang netizen kaugnay ng insidente.

Nai-share pa ng netizen ang official statement ni Mayor Sara Duterte na nagsasabin­g “walang ipaiiral na VIP treatment sa implementa­syon ng ECQ sa lungsod.”

Binanggit sa social media na bigla na lamang pumasok si Omar nasabing supermarke­t sa kabila ng mahabang pila ng mga nagnanais ding mamili sa naturang establisim­yento.

“It is with humility that I apologize for the behavior of Omar and his impertinen­ce shall be dealt with accordingl­y,” bahagi ng pahayag ng anak ng Pangulo.

Iniimbesti­gahan na rin ng Presidenti­al Security Group (PSG) ang maling inasal ng security team ni Omar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines