Balita

AFP CHIEF, NAHAWA NA

- Nina MARTIN SADONGDONG, BERT DE GUZMAN, MARY ANN SANTIAGO, at BELLA GAMOTEA

Kahit si Armed Forces of the Philippine­s (AFP) Chief of Staff General Felimon Santos, Jr., ay hindi rin nakaligtas sa kinatataku­tang coronaviru­s disease 2019 sa bansa.

Ito ay matapos kumpirmahi­n kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tinamaan na ng COVID19 si Santos.

“This morning I was informed by CSAFP Gen. Santos that he tested positive of the COVID-19 -- the result he got yesterday (Thursday),” pahayag ni Lorenzana.

Gayunman, hindi ipinaliwan­ag kung paano nahawa ng virus si Santos. Inilabas ang resulta ilang araw matapos magpositib­o rin sa sakit ang isang one-star military general.

Sa pahayag ng AFP-Public Affairs Office (PAO), sinuri si Santos noong Marso 23, isang araw bago ihayag nito sa mga mamamahaya­g na nagpositib­o na sa virus ang nasabing military general, pati na rin ang misis nito na siyang unang kaso ng sakit sa militar.

Sumasailal­im na ngayon sa home quarantine si Santos, mula Marso 27 hanggang Abril 10.

BULACAN REP., NAGPOSITIV­E

Isa pang kongresist­a ang napaulat na nagpositib­o sa virus.

Sinabi ni House Secretary General Jose Luis Montales, ang mambabatas ay si Bulacan Rep. Henry Villarica ng ika-4 distrito ng lalawigan.

Una rito, dalawang kongresist­a ang napaulat na may tama ng Covid19. Sila ay sina Rep. Virgilio Lacson at ACT-CIS Party-list Eic Go Yap. Ayon sa report, mabuti na ang lagay ngayon ni Lacson.

Huling nagreport sa Kamara si Villarica noong Marso 40, ayon kay Montales.

“Noong Marso 8, dumalo pa siya sa isang event na ang host ay si Baliuag [Bulacan] Mayor Ferdie Estrella, na naiulat ding positibo sa vrius,” ani,” Montales.

Siya ay dinala sa osital noong Marso 12 dahil sa pneumonia, at ngayon ay stable na ang kondisyon, ayon sa report.

BILANG NG NA-VIRUS SA

PASAY, LUMOBO Pumalo na sa siyam katao ang nagpositib­o sa COVID-19 sa Pasay City.

Sa bagong datos na inilabas ng Pasay City Health Office, umakyat na sa 9 ang nagpsotibo sa nasabing virus habang tumaas ri sa 97 ang persons under monitoring (PUMs);49 persons under investigat­ion (PUIs);isa ang gumaling na at wala namang naitalang namatay sa naturang sakit.

3,000 COVID-19 TEST

KADA ARAW

Bumili ang Philippine Red Cross (PRC) ng dalawang laboratory machines na kayang magsagawa ng 3,000 COVID-19 test araw-araw.

Ayon kay PRC Chairman at CEO, Senator Richard Gordon, inaasahan nilang darating sa bansa ang mga makina sa Linggo.

Maaari aniyang sa susunod na linggo ay maging operationa­l na rin ang mga ito.

Nagpasya aniya silang bumili ng mga makina upang makadagdag sa kapasidad ng mga kasalukuya­ng testing facilities para sa coronaviru­s disease 2019 (COVID-19).

“Ang Red Cross bumili ng machines na makakapag-test ng 3,000 a day —1,500 per machine,” ani Gordon, sa panayam sa radyo.

Sinabi ni Gordon na maaari aniyang ang mga medical technician ang magtungo sa mga lugar na pinakamara­ming COVID-19 cases at kumuha ng samples ng mga pasyente, na siya nilang dadalhin namam sa PRC upang masuri ang mga ito at matukoy kung sino sa kanila ang positibo sa virus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines