Balita

R5-M medical supplies, PPEs nabisto

- Betheena Unite

Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang P5 milyong halaga ng medical supplies at personal protection equipment (PPE) sa isang pagsalakay sa San Nicolas, Binondo, Maynila, nitong Huwebes, ayon sa Bureau of Customs (BoC).

Kabilang sa mga nakumpiska ang ilang kahon ng facemask, guwantes, goggles, alcohol, thermal scanner, test tube, at hiringgily­a.

Ang mga ito ay nabisto sa isang tindahan na nauna nang iniulat ng mga concerned citizen na nagbebenta ng mas mataas na presyo kumpara sa suggested retail price.

Isinagawa ang pagsalakay ng Customs intelligte­nce agents at ng Philippine Coast Guard. Gayunman, hindi nadatnan ng grupo ang may-ari ng establisim­yento.

Sa imbestigas­yon, natuklasan na nag-o-operate ang tindahan sa pamamagita­n ng online transactio­ns kung saan sinisingil ang mga buyer ng apat na beses na taas ng presyo kumpara sa suggested retail price.

Sa kabila nito, binigyan muna ng BoC ng 15 araw ang mga may-ari ng kargamento upang makapaghar­ap ng kaukulang papeles at kung mabigo ay tuluyan na silang kasuhan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines