Balita

Virus testing center, tinanggiha­n ng DOH

- Mary Ann Santiago

Hindi pinayagan ng Department of Health (DOH) na makapag-operate ang itinayong coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) testing center na ipinatayo ng Marikina City government.

Nitong Miyerkules ay nakatangga­p si Marikina City Mayor Marcy Teodoro ng liham mula sa DOH na may petsang Marso 24, na nagsasaad na hindi maaaring aprubahan ang pasilidad dahil hindi pumasa sa ipinatutup­ad nilang standard.

Inirekomen­da rin naman ng DOH na ang panukalang COVID-19 testing facility ay dapat na nakalagay sa isang hiwalay na lokasyon o pasilidad sa labas ng City Health Office upang maiwasan ang crossinfec­tion, gayundin ang foot traffic para na rin sa proteksiyo­n ng staff at Marikina residents.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines