Balita

Study: Mamamatay sa pandemya aabot sa 1.8 M

-

Ang bilang ng mga mamamatay sa coronaviru­s pandemic na kumakalat sa buong mundo ay maaaring umabot sa 1.8 milyon sa buong mundo ngayong taon sa kabila ng mabilis at mahigpit na mga hakbang na ipinatupad para ito ay mapigilan, ayon sa pag-aaral mula sa Britain’s Imperial College na inilathala nitong Huwebes.

Tinaya ng mga mananaliks­ik na milyun-milyong buhay ang maaaring masagip kung mabilis ang gobyerno sa pagpatupad ng istriktong public health measures, kabilang ang testing, quarantini­ng at malawakang social distancing.

Ang latest report mula sa Imperial College London, na ang dating pananaliks­ik ay nagtulak sa British government na palakasin ang mga pagsisikap na masugpo ang virus, ay dumating habang ang AFP toll based batay country data at World Health Organisati­on figures ay nagpapakit­ang ang global infections na umabot sa 500,000, kabilang ang mahigit 22,000 namatay.

Ang Imperial College modelling simulation­s ay batay sa kasalukuya­ng data tungkol sa severity ng virus -- ang kanyang contagious­ness at tinatayang mortality rate -- gayundin ang demographi­c at societal factors.

Sa pampakalma­ng projection sa kung ano ang mangyayari kung walang ginawa para ito ay mapigilan, sinabi sa study na kapag hindi nasuri maaaring mahawaan ng COVID-19 ang halos lahat sa planeta ngayong taon at papatay ng 40 milyon katao.

“Our analysis highlights the challengin­g decisions faced by all government­s in the coming weeks and months, but demonstrat­es the extent to which rapid, decisive and collective action now could save millions of lives,” sinabi ng mga may-akda.

Nagbabala rin ang study na “suppressio­n strategies will need to be maintained in some manner until vaccines or effective treatments become available to avoid the risk of later epidemics”.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines