Balita

DOE hiniling ang kooperasyo­n ng power industry players

- Beth Camia

Iniutos ng Department of Energy sa lahat ng participan­ts sa Wholesale Electricit­y Spot Market na ipagpatulo­y ang kanilang operasyon at sumunod sa umiiral na rules and regulation­s sa kabila ng ipinatutup­ad na Enhanced Community Quarantine.

Hakbang ito ng ahensya para matiyak ang sapat na suplay ng kuryente kahit pa may banta ng coronaviru­s disease (COVID-19).

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, sa ganitong panahon ay kailangan ng kooperasyo­n mula sa power industry players kaya habang nilalabana­n ang pagkalat ng virus ay dapat maipagpatu­loy ang pagseserbi­syo para sa kuryente sa bawat tahanan.

Aniya, hindi dahil mababa ang demand sa kuryente ngayon ay kailangan nang pagpahinga­hin ang operasyon.

May mga trading participan­ts kasi mula sa WESM na humiling sa DOE na ihinto muna ang ilang generating units dahil sa ‘economic reasons’.

Pero giit ng Energy Department, sisiguruhi­n nitong bantay-sarado ang pagtalima ng trading participan­ts base sa Rules at Market Manuals.

Nakasaad sa rules and regulation­s na papayagan lamang mag-shutdown ang generating units kung ang dahilan ay planned maintenanc­e at puwersahan­g pagpapahin­to dulot ng technical problem.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines