Coronavirus noong Oktubre pa kumalat sa Italy?
MILAN (Reuters)- Iniimbestigahan ang Italian researchers kung ang mas mataas kaysa karaniwang bilang ng mga kaso ng severe pneumonia at flu sa Lombardy sa last quarter ng 2019 ay maaaring senyales na ang bagong coronavirus ay maaaring kumalat na sa labas ng China ng mas maaga kaysa naunang inakala.
Sinabi ni Adriano Decarli, epidemiologist at medical statistics professor sa University of Milan, na nagkaroon ng malaking pagtaas sa bilang ng mga taong naospital dahil sa pneumonia atw flu sa mga lugar sa Milan at Lodi mula Oktubre at Disyembre.
Sinabi niya sa Reuters na “hundreds” na mga tao kaysa karaniwang bilang ang dinala sa ospital sa nakalipas na tatlong buwan ng 2019 sa mga lugar na ito - 2 sa Lombardy worst hit cities - ang may pneumonia at flu-like symptoms, at ang ilan sa mya ito ay namatay.
Nirerepaso ni Decarli ang hospital records at iba pang clinical details ng mga kasong ito, kabilang ang mga tao na kalaunan ay namatay sa bahay, para sikaping maintindihan kung ang
bagong coronavirus epidemic ay kumalat na sa Italy dati pa.
“We want to know if the virus was already here in Italy at the end of 2019, and - if yes - why it remained undetected for a relatively long period so that we could have a clearer picture in case we have to face a second wave of the epidemic,” sinabi niya.