Balita

MABUTING BALITA

Jer 11:18-20 • Slm 7

-

May nagsabi mula sa maraming taong nakarinig sa mga salita ni Jesus: “Totoo ngang ito ang Propeta.” Sinabi naman ng iba: “Ito ang Kristo.” Ngunit itinanong ng iba: “Sa Galilea ba manggagali­ng ang Kristo? Hindi ba’t sinabi ng Kasulatan, na mula sa binhi ni David at galing sa Betlehem na nayon ni David ang Kristo?” Kaya nahati ang mga tao dahil sa kanya. Balak ng ilan sa kanila na dakpin siya ngunit walang nagbuhat ng kamay sa kanya.

PAGSASADIW­A

Sumagot ang mga bantay: “Kailanma’y wala pang taong nangusap nang ganito.”—Sa mga pangangara­l ni Jesus, may mga naniwala at mayroon ding hindi. Kaya sinabi ni Juan sa ebanghelyo, “kaya nahati ang mga tao dahil sa kanya” (b 43).

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines