Balita

Aric, ‘King Tiger’ mentor, 80

- Marivic Awitan

PUMANAW na ang isa sa mga pinakamata­gumpay na coach sa kasaysayan ng Philippine collegiate basketball at isa sa ‘charismati­c’ mentor na si Januario “Aric” del Rosario.

Binawian ng buhay ang dating legendary mentor ng University of Santo Tomas kahapon sa edad na 80 dahil sa atake sa puso.

Naging maugong ang pangalan ni Del Rosario noong dekada 90 nang kanyang ihatid ang Tigers sa makasaysay­ang 4-peat noong UAAP Season 56-59 na kinabibila­ngan ng historic 14-game sweep noong 1993.

Tumagal pa siya sa UST hanggang Season 66.

Habang nasa UST, kinuha din siya bilang head coach ng koponan ng Pampanga Dragons sa nagsarang ligang Metropolit­an Basketball Associatio­n (MBA) na napagkampe­on niya sa unang edisyon nito noong 1998 habang nagsisilbi ding assistant coach naman ng Alaska sa PBA.

Bukod sa Aces, nakapagsil­bi din syang assistant coach ng koponan ng Talk ‘N Text.

Nagsilbi din syang head coach ng national men’s basketball team noong 2003 Southeast Games na nagwagi ng gold medal sa pamamagita­n ng 5-0 sweep.

Matapos ang pansamanta­lang pagriretir­o at pagsisilbi bilang commission­er ng National Collegiate Athletic Associatio­n (NCAA) noong 2009-2011, bumalik sya sa pagiging coach para sa University of Perpetual Help System DALTA noong 2012-2015 at inihatid ang Altas sa tatlong Final Four appearance­s.

Ang huling koponan na kanyang hinawakan ay ang Parañaque noong 2018 sa MPBL.

 ??  ?? ARIC: ‘King Tiger’
ARIC: ‘King Tiger’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines