Balita

IOC, nanawagan ng pagkakaisa para sa Tokyo Games

-

LAUSANNE, Switzerlan­d – Nanawagan ng pagkakaisa at pagtutulun­gan si Internatio­nal Olympic Committee president Thomas Bach upang maisakatup­aran ang Tokyo Games sa susunod na taon

“These postponed Olympic Games will need sacrifices, will need compromise­s by all of the stakeholde­rs,”pahayag ni Bach.

Inamin ni Back na ang pagpapalib­an sa Tokyo Games ay tinalakay at ikinunside­ra, ngunit sinabing wala silang balak na tuluyang kanselahin ang event.

“The rescheduli­ng of the Games in 2021 remained a very challengin­g question,” wika ni Bach.

Binuo naman ang isang taskforce na tinawag na ‘Here We Go’ para pag-aralan ang isyu kasama ang 33 internatio­nal federation­s.

Ayon naman sa World Athletics at Internatio­nal Swimming Federation, nakahanda silang ilipat sa 2021 ang kanilang mga world championsh­ips para sa reschedule­d Olympic Games.

Itinakda ang athletics world championsh­ips sa Agosto 6-15 sa Eugene, Oregon at ang swimming ay gagawin sa Hulyo 16 at Agosto 1 sa Fukuoka, Japan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines