MMDA official, nagpositib­o sa virus

Balita - - Front Page - Bella Gamotea

Nagpositib­o na rin sa coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) si Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia,ayon sa inilabas nitong opisyal na pahayag, kahapon ng umaga.

“I wish to inform everyone that I will have to work from home as i have been found positive for COVID-19. My work puts me under a lot of risk, and this is part of it. I embrace this challenge with full trust and faith in God that I will overcome the same with your prayers,” paglalahad ni Garcia.

Kaugnay nito, pinayuhan ni

Garcia na magself-quarantine ang mga nakahalubi­lo niya partikular sa idinaos na turn-over ng 5-tourist bus ni Senador Manny Pacquiao sa flagpole area ng MMDA headquarte­rs sa Guadalupe Nuevo sa Makati City noong Marso 20, 2020 na dinaluhan ng iba pang opisyal at tauhan ng ahensiya, maging ng ilang mamamahaya­g.

Ginagamit ang naturang mga bus para sa libreng sakay ng frontliner­s sa gitna ng ipinatutup­ad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.

Matatandaa­n na nitong Marso 23, naglabas ng kanyang pahayag si Garcia kaugnay ng pagsasaila­lim nito sa self-quarantine alinsunod sa protocols ng Department of Health (DoH).

Kasunod ito nang malamang nagpositib­o sa COVID-19 ang isang tao na dumalo sa isang pulong na dinaluhan ng nabanggit na opisyal may isang linggo na ang nakalipas.

Unang sinabi ni Garcia na tiwala siyang hindi mahahawaan ng virus dahil istrikto nitong ginagawa ang ibayong pag-iingat, tulad ng pagsusuot ng face mask, wastong paghuhugas ng kamay at good hygiene.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.