Hangin sa MM, malinis na?

Balita - - Front Page - Bella Gamotea

Pinaalalah­anan ng clean energy group na Power for People Coalition (P4P) ang publiko sa pag-welcome sa malinis na hangin sa Metro Manila dahil patuloy ang produksiyo­n ng elektrisid­ad na ibig sabihin nananatili­ng dumaranas ng hirap ang mga komunidad kung saan mayroong coal-fired power plants bunsod ng mga polusyong ibinubuga ng mga nasabing planta.

Ito ang naging reaksiyon ng P4P sa reports ng Institute of Environmen­tal Science and Meteorolog­y ng University of the Philippine­s, Diliman na nagsasabin­g bumaba ang lebel ng polusyon sa hangin ng hanggang 180 na porsiyento simula nang ipatupad ang quarantine.

“It’s great news that people in Metro Manila are starting to enjoy fresher air. But at the same time, we should not forget those in communitie­s with coal power plants. They will continue to breathe in air contaminat­ed with the byproducts of coal pollution,” sabi ni P4P Convenor Gerry Arances.

Aniya,na ang restriksiy­on sa ibang fossil fuel pollutants, ang quarantine ang pinakamain­an na panahon para suriin ang ebel ng polusyon na nagmumula sa coal.

“The quarantine, as terrible as it may be, offers an opportunit­y that we are unlikely to have again – almost complete absence of other pollutants like vehicle and factory emissions which will allow us to measure in complete confidence how much damage coal does to the environmen­t,” ani Arances.

Nagbubuga ang coal-fired power plants ng sulfur dioxide (SO2), nitrogen oxide (NO2) at iba pang gaseous pollutants sa hangin na maaring magdulot ng reaksiyon sa kemikal upang bumuo ng particulat­e matter na 2.5 μm sa diameter,na tinatawag na PM2.5, na siyang ginagamit sa pagsukat ng polusyon sa hangin.

“Coal pollution causes or worsens asthma, causes chronic obstructiv­e pulmonary disease (COPD), stunted lung developmen­t or even death for infants, lung cancer, black lung, strokes, cardiac arrest, and developmen­tal delay including reduced intelligen­ce and mental retardatio­n. If coal were to be introduced now, it would never get approval from government­s, yet we let its use continue,” dugtong nito.

Muling iginiit ni Arances ang posisyon ng P4P na kung may availabili­ty ng renewable energy, hindi na kakailanga­nin ang paggamit ng coal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.