Dating sexy star, walang pagbabago?

Balita - - Front Page - Reggee Bonoan

NALOKA ang ilang netizens sa dating sexy star dahil maayos ang tanong sa kanya ay sinagot niya ito ng pabalang.

Inisip na lang may pinagdadaa­nan ang dating sexy star kaya hindi maganda ang sagot nito sa netizen na nagtanong.

Sabi naman ng kaibigan naming nakabasa sa sagot ng dating sexy star, “akala ko nagbago na siya, kesyo may self ek-ek pa siya, waley naman pala. Sa nangyayari ngayon na apektado ang mundo sa COVID 19 dapat nagmumuni-muni na siya.”

E, di ba nga may pinagdadaa­nan kaya intindihin na rin at saka nakilala naman talagang ganu’n sumagot ang dating sexy star, pabalang.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.