Angeline, gustong magapply na GF ni Mayor Vico

Balita - - Front Page - Ni REGGEE BONOAN

BAGO pa ang lockdown ay marami ng nagawa si Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga nasasakupa­n niya kaya naman araw-araw ay puro papuri ang nababasa sa kanya.

Kaya naman ang single ladies ay hindi napigilang humanga sa kanya kaya kanya-kanya silang gawa ng memes.

May lumabas na litrato ni Mayor Vico sa isang pahayagan at may-quote siyang, “Simple lang naman ang gusto ko sa isang babae, yung mahilig kumain, at medyo kalog, lalo na yung

NAGTITIKTO­K. Tumatangga­p na po ako ng mga aplikante ngayon.”

Kaagad namang pinabulaan­an ito ng pahayagan na hindi raw sa kanila galing ito.

Sinakyan naman ito ng mangaawit na si Angeline Quinto na naglabas ng paghanga sa binatang mayor at tinweet niya.

“Mayor Vico, hayaan niyo po mas gagalingan ko pa Mag Tiktok para siguradong pasado po.”

Anyway, sa gitna ng laban ng COVID 19 sa buong mundo ay mas malabong maisip ni Mayor Vico ang love life dahil noong bago at pagkatapos ng eleksyon ay sinabi niyang hindi niya prayoridad ang pag-ibig bagkus ay mas focus siya sa mga proyekto niya sa Pasig.

Angeline

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.