Kagawad, nag-suicide

Balita - - Balita - Mary Ann Santiago

Isang barangay kagawad, na kalalabas pa lamang ng pagamutan nang ma-confine dahil sa pneumonia at emphysema, ang patay nang magbaril sa sarili sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Renato Vergel De Dios, 61, kagawad ng Barangay 163, Zone 14, Tondo, at taga-732 J. Planas Street, Tondo, dahil sa isang tama ng bala sa ulo.

Sa report ni M/SSgt. Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police DistrictCr­imes

Against Persons Investigat­ion Section (MPD-CAPIS), ang insidente ay naganap, dakong 12:01 ng madaling araw.

Sa nakuhang footage ng closed circuit television (CCTV) sa J. Planas Street, makikitang mag-isang nakatayo ang biktima nang biglang ikasa ang hawak na baril, itinutok sa kanyang ulo at ipinutok.

Maya-maya ay inulit na itutok sa ulo at sa pagkakatao­ng iyon ay pumutok ang baril, na agaran niyang ikinamatay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.