2 ‘tulak’ utas sa shootout

Balita - - Balita - Light A. Nolasco

GUIMBA, Nueva Ecija – Dead on the spot ang dalawang umano’y tulak ng ipinagbaba­wal na gamot sa ikinasang buy-bust operation sa nasabing bayan, kamakailan.

Kinilala ng pulisya ang dalawang napatay na sina Jayson Hernandez, 31, taga-Bgy. Bacayao at Edward Danzalan, 30, at taga-San Antonio, Nueva Ecija.

Sa imbestigas­yon ng mga awtoridad, matagal na umanong sangkot sa iligal na droga ang dalawa at isang pulis ang naka-transaksyo­n na nagpanggap na poseur buyer.

Sinabi ng imbestigad­or, sa halip na sumuko ang dalawa ay binaril umano pa nila ang mga awtoridad kaya nagkaroon ng sagupaan na nagresulta sa pagkakapas­lang ng mga ito.

Narekober kay Hernandez ang isang cal. 38 revolver, isang,

isang plastic sachet na naglalaman ng shabu, at marked money habang nasamsam naman kay Danzalan ang isang baril na puno ng bala, liman plastic sachet ng umano’y shabu, at drug parapherna­lias.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.