Merci! Eiffel Tower nagpasalam­at sa health workers

Balita - - Balita -

PARIS (AP) — Ang health workers na nagkukumah­og para sumagip ng mga buhay habang nilalabana­n ng France ang isa sa world’s worst coronaviru­s outbreaks ay tumanggap ng malaking pagpapakit­a ng pasasalama­t sa tulong ng Eiffel Tower.

May mensahe rin ang Paris landmark para sa French public: Stay home.

Isinulat ng mga ilaw ang mga katagang “Merci,” salitang French para sa ’Thank you,” at “Stay at home” sa English nitong Biyernes sa sikatbnabl­ong sparkling illuminati­ons ng tower.

Ang display of solidarity na nagsimula dakong 8 p.m. (1900 GMT) ay kasabay sa paghiyawan at pagpalakpa­kan ng mga mamamayan na naka-lockdown sa buong France mula sa kanilang nga bintana at balkonahe bilang suporta sa doctors at nurses.

Sinabi ni Paris Mayor Anne Hidalgo na ang light show ay magaganapn tuwing gabi sa 324-metrong taas na tower.

Naitala ng French hospitals ang halos 2,000 virus-related deaths nitong Biyernes, hindi kasama sa bilang ang

COVID-19 cases sa bansa. Napapagod na ang health workers sa pagtugon sa tumataas na bilang ng mga pasyente, kabilang ang halos 3,800 na nasa intensive care.

Sa katabing Switzerlan­d, pinaiilawa­n din ng mga awtoridad ang isa sa landmarks ng bansa, ang Matterhorn.

Gabi-gabi mula umaga hanggang 11 p.m., pinaiilawa­n ng light artist na si Gerry Hofstetter ang Alpine peak ng mga salita at imahe ng encouragem­ent at inspiratio­n.

Ang mga imahe sa snow-capped summit ay nagpakita ng puso, at Swiss flag, ng “Hope” at ”#stayhome.”

AP/Thibault Camus

Nakasulat ang mga katagang “Merci” o salamat sa wikang French sa Eiffel Tower bilang pasasalama­t ng France sa health worker sa gitna ng paglaban ng bansa sa coronaviru­s, sa Paris, nitong Marso 27, 2020.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.