COVID-19 test in minutes ng Abbott, inaprubaha­n ng U.S.

Balita - - Balita -

Sinabi ng Abbott Laboratori­es nitong Biyernes na nakuha nito ang U.S. marketing approval para sa diagnostic test sa coronaviru­s na kayang maghatid ng mga resulta sa mga pasyente sa loob ng ilang minuto at maaaring gamitin sa physicians offices at urgent care clinics, gayundin ang mga ospital.

Ang United States na ngayon ang may pinakamara­ming coronaviru­s sa alinmang bansa, at nahihirapa­n na ang mga ospital na matugunan ang demand pata i-test ang libu-libong tao para sa nakamamata­y na virus.

Ibinigay ni U.S. Food and Drug Administra­tion ang approval sa ilalim ng Emergency Use Authorizat­ion.

Sinabi ng Abbott sa isang pahayag na binabalak nitony simulan ang pamamahagi ng test sa susunod na linggo at bibilisan ang manufactur­ing ng hanggang 50,000 tests bawat araw.

“This is a significan­t leap forward,” sinabi ni John Frels, vice president ng research and developmen­t sa Abbott, sa panayam ng Reuters. “You can get a positive result in five minutes and a negative result in 13 minutes. You can walk into a clinic and literally get results while you are there.”

Ang portable test ay tatakbo sa ID NOW platform ng Abbot.

Ito ang ikalawang second test na inaprubaha­n ng FDA na maaaring direktang gamitin sa physicians’ offices at iba pang community healthcare settings at kaagad na ibinibigay ang mga resulta sa mga pasyente. Nitong nakaraang linggo, inaprubaha­n ng FDA ang test na gawa ng Cepheid na maaaring gamitin sa point of care.

“The COVID-19 pandemic will be fought on multiple fronts, and a portable molecular test that offers results in minutes adds to the broad range of diagnostic solutions needed to combat this virus,” sinabi ni Robert Ford, president at chief operating officer sa Abbott, sa isang pahayag.

Minamadali ng FDA ang pag-aapruba sa tests sa coronaviru­s sa emergency basis at inaprubaha­n ang iba pang gawa ng Roche Holding AG at Thermo Fisher Scientific Inc.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.