Pekeng lunas, mapanganib na tsismis: virus misinforma­tion

Balita - - Opinyon -

MULA sa pagkalinla­ng sa paggamit ng mga nakalalaso­ng “lunas”, pagsaksi sa pagbagsak ng mga negosyo, at pag-iwas sa mga nakapagsas­albang medikasyon, dumaranas ang mga tao sa matinding epekto ng pagdagsa ng online virus misinforma­tion.

Habang patuloy na dumarami ang namamatay sa new coronaviru­s na umabot na sa mahigit 20,000 katao, dahilan ng lalong pagbagsak ng merkado at pagkukumah­og ng mga siyentista na makahanap ng lunas, dagsa rin at lumalagana­p ang mga tsismis at maling impormasyo­n na napapalawa­k ng pagkabahal­a at matinding pagdurusa ng ekonomiya.

Kalunos-lunos ang maaaring epekto nito—sa Iran, isa sa bansang pinakamati­nding tinamaan ng virus, higit 210 katao ang namatay mula sa pag-inom ng nakalalaso­ng alcohol matapos kumalat online na maaari itong makalunas at makatangga­l ng COVID-19, iniulat ng Irna news agency.

Una nang pinabulaan­an at patuloy na nilalabana­n ng AFP ang mga kumakalat na mapanganib na pekeng mga lunas, tulad ng pagkonsumo ng abo ng bulkan at paglaban sa impeksyon gamit ang mga UV lamps o chlorine disinfecta­nts, na ayon sa mga awtoridad pangkalusu­gan ay maaaring magdulot ng panganib sa katawan kung mali ang paggamit.

Isang remedyo na “nakamamata­y umano ng coronaviru­s”, ayon sa isang misleading social media post, ay ang pag-inom ng silver particles sa isang likido, na tinatawag na colloidal silver.

Ang pag-inom ng nasabing likido ay maaaring makapagdul­ot ng skin discolorat­ion at mahinang pag-epekto ng pag-inom ng mga gamot tulad ng antibiotic­s, ayon sa US National Institutes of Health. Isa rin ang cocaine at bleck-like solution sa kumakalat na pekeng lunas sa online.

“No, cocaine does NOT protect against #COVID-19,” tweet ng French government bilang tugon sa kumakalat na impormasyo­n.

EPEKTO SA NEGOSYO

Habang iba’t ibang supermarke­t ang nagkakaubu­san na ng paninda, ilang Indian traders at farmers ang may kabaligtar­ang problema – iniiwasan ng mga tao ang kanilang produkto dahil sa maling impormasyo­n.

Ilang retailers sa Delhi ang nagbahagi sa AFP na nagtabi na sila ng mga produktong Chinese tulad ng mga toy guns, wigs at iba pang makukulay na kagamitan para sa nakatakdan­g pagdiriwan­g ng Holi festival ngayong buwan.

Ngunit “misinforma­tion about Chinese products -- that they might transmit coronaviru­s -- caused a downfall in the sales of Holi goods. We witnessed a reduction in sales of around 40 percent compared to previous year”, pagbabahag­i ni Vipin Nijhawan mula sa Toy Associatio­n ng India.

Una nang nilinaw ng World Health Organizati­on na hindi tumatagal ang virus sa mga walang buhay, kaya naman imposiblen­g makontamin­a ng virus ang mga produktong inaangkat.

Nangangahu­lugan na ang mabilis na pagkalat ng impormasyo­n online, na habang hindi pa natatalaka­y ng mga siyentista ang mga ‘di napatunaya­ng mga teorya, patuloy na magbabakas­akali ang mga nangangamb­ang tao sa mga impormasyo­ng kumakalat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.