Paghina ng ekonomiya ng mga bansa

Balita - - Opinyon - Bert de Guzman

KUNG magpapatul­oy ang pananalasa ng coronaviru­s 2019 (COVID-19), malaki ang posibilida­d sa pagkakaroo­n ng global recession o paghina ng ekonomiya ng maraming bansa. Ito ang pahayag ng Oxford Economics.

Kahit medyo nasasawata na ng China ang paglaganap ng virus, mabagal pa rin umano ang pagusad o paggalaw ng mga negosyo at kalakalan sa bansa ni Chinese Pres. Xi Jinping na may 1.3 bilyong populasyon.

Ganito ang pahayag ng Oxford Economics: “Developmen­ts over the past week have greatly increased the likelihood that the global economy is moving into recession in response to the surge in Covid19 cases worldwide, the associated disruption, and the aggressive market sell-off.”

Bukod sa China, tinamaan din ng coronaviru­s ang mayayamang mga bansa sa Yuropa (Europe), tulad ng Germany, Italy, Spain, Sweden, Denmark, Norway at iba pa. Ganito rin ang pinsala ng COVID-19 sa mga bansa sa Asia, gaya ng Japan, South Korea, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore.

Pinalawig ng mga bangko ang petsa ng pagbabayad ng mga borrower o nangutang sa kanila dahil sa pananalasa ng Covid-19. Isa sa mga bangko, ang Security Bank Corp. ang nag-extend sa pagbabayad sa petsa o due dates para sa credit at loans na walang past due balance hanggang nitong Marso 16 nang 30 araw.

“Lahat ng customers na may credit card, home loan, personal loan, auto loan, business loan, mortgage loan o business express loan, ay palalawigi­n ang pagbabayad ng 30 araw,” ayon sa Security Bank.

Ganito rin ang ginawa ng Aboitiz-led Union Bank of the Philippine­s. Pinalawig din ang debt payments o pagbabayad para sa kuwalipika­dong credit card holders na maganda ang rekord na ang due date ay mula Marso 17 hanggang Abril 15.

Nag-extend din ang East-West Banking Corp. samantalan­g ang Rizal Banking Corp at Rizal Bankard ay nagpatupad ng payment holiday upang palawigin ang pagbabayad ng mga kliyente sa loob ng 30 araw.

Batay sa mga ulat, nagkaloob ng milyun-milyong pisong donasyon ang mga casino para magamit sa paglaban sa COVID-19. Ang City of Dreams ay nagbigay ng P50 milyon. Ganyan din ang ibinigay ng Okada Manila at ng Resorts World Manila. Ang POGOs naman ay nagbigay ng P150 milyon.

Kabilang si Telecommun­ications magnate Manuel V. Pangilinan sa mga business tycoon na tumugon sa panawagan ni Pres. Rodrigo Roa Duterte na tulungan ang kanilang mga empleyado na maka-survive dahil sa pagkawala ng trabaho.

Ayon kay MVP, bilang tugon sa apela ni PRRD, tutulungan ng MVP Group ang kanilang mga manggagawa sa pamamagita­n ng pagbibigay ng kanilang suweldo at benepisyo habang may enhanced community quarantine.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.