Pinoy jins, ‘training at home’ Petecio, pursigido sa Olympics

Balita - - Sports - Annie Abad

MAS mabibigyan ng mahabang preparasyo­n ang ilan pang Pinoy, kabilang si Nesty Petecio na makapaghan­da para sa Olympic qualifying, higit at naiurong ang Tokyo Games sa susunod na taon.

Bukod sa mapanatili­hing ligtas ang mga atleta ang siyang isinaalang-alang ng mga organizers nang magdesisyo­n na ipagpaliba­n muna ang quadrennia­l meet hanggang sa susunod na taon sanhi ng Coronaviru­s, nabigyan nang mas malaking tsansa si Petecio na matupad ang matagal nang pangarap na Olympics.

“Makapaghah­anda pa kami,

Hopefully makalusot sa susunod na qualifying meet,” pahayag ni Petecio, nabigong makuha ang Olympic slots nang mabigo sa quarterfin­als ng AsiaOcenia qualifying sa nakalipa sna buwan sa Amman, Jordan.

Tanging sina Felic Marcial at Irosh Magno ang nakalusot sa naturang Olympic qualifying, habang si Petecio, world champion, ay inaasahang sasabak sa nalalabing Olympiv trials.

“Pabor po ako sa pag postponed nila maam. Hindi dahil para po tumagal ang Olympics kondi dahil mas iniisip nila yung kapakanan ng nakakarami. Pabor ako dahil inisip nila yung kaligtasan at kapakanan ng mga atleta at ibang tao,”

Ayon sa 27-anyos na tubong Davao na si Petecio, mas malaking problema Ang idudulot kung itutuloy ang Olimpiyada, gayung possibly mas dumoble pa ang Kasi ng Coronaviru­s sa buong mundo.

Sinabi pa niya na mas mahalaga ang buhay ng tao kaysa makipagsap­alaran ang lahat na ituloy ang Olimpiyada na posibleng ikapahamak ng marami.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.