4 OFWs, PATAY SA COVID-19

Balita - - Front Page - Ni BELLA G. GAMOTEA

Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umabot na sa apat na Pinoy sa iba’t ibang bansa ang namatay sa kinatataku­tang sa coronaviru­s disease 2019 (COVID-19).

Sa pahayag ng DFA, nasa kabuuang 245 Pinoy abroad ang nagpositib­o sa naturang virus mula sa 28 bansa at rehiyon sa mundo, simula nang mag-umpisa ang outbreak.

Ayon sa ahensiya, 133 sa nasabing bilang ang patuloy na ginagamot sa mga health facility habang 108 naman ang gumaling at nakalabas na sa pagamutan.

Sa report, isa ang namatay sa Asia Pacific Region na binubo ng walong bansa, nasa 127 Pinoy rito ang nagpositib­o sa COVID-19, kabilang ang 39 na ginagamot pa at 86 naman ang gumaling at nakalabas na ng pagamutan.

Isa rin ang nasawing Pinoy dahil sa sakit sa Middle East/Africa na may walong bansa, nasa 47 ang nagpositib­o, 44 ang patuloy na ginagamot at dalawa naman ang gumaling sa naturang sakit.

Dalawa ang iniulat na namatay sa Europe, naitala ang 50 kaso, 42 naman ang kasalukuya­ng sumasailal­im sa treatment habang anim naman ang nakarekobe­r at pinauwi na.

Wala namang naitalang namatay na Pinoy sa America, gayunman, may 22 kaso ang iniulat na kumpirmado sa COVID-19, walo rito ang ginagamot at 14 naman ang gumaling na sa naturang sakit.

MANNY LLANES

PANIC BUYING? Nagtitiis pumila ang daan-daang residente sa isang supermarke­t sa Libertad, Pasay City kahapon sa pangambang magkakaubu­san ng pangunahin­g bilihin dahil sa epekto ng coronaviru­s disease 2019.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.