Mt. Banahaw, sarado pa rin sa Semana Santa

Balita - - Balita - Danny Estacio

LUCENA CITY, Quezon – Sarado pa rin ang Mount Banahaw sa pagsapit ng Semana Santa, ayon sa Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR).

Ikinatwira­n ni DENR-Quezon Provincial Environmen­t and Natural Resources Officer (DENRPENRO) Alfredo Palencia, kahit na walang official advisory na ipinalalab­as si DENR Secretary Roy Cimatu ay kasama sa ipinalabas na kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalagay sa buong Luzon sa Enhancemen­t Community Quarantine kung saan apektado ang mga aktibidad pang Semata Santa.

“Kaya sarado ang Mt. Banahaw ngayong Semana Santa”, ayon kay Palencia.

Sa bahagi ng Laguna ay nag-isyu ng notice of precaution­ary closure ang Protected Area Management Office ng Mts. Banahaw-San Cristobal Protected Landscape sa pagsasara at pagbabawal ng lahat ng aktibidade­s sa mga nasabing bundok.

Ito ay alinsunod na rin sa deklarasyo­n na naglalagay sa ‘state of public health emergency’ sa dahil sa banta ng coronaviru­s disease (COVID)-19.

Partikular na dinarayo ang Mt. Banahaw tuwing Mahal na Araw at libu-libong deboto ang umakyat sa sinasabing “mystic mountain” para sa mga religious activities, gayundin ang mga hiker na nagmula sa ibat ibang panig ng bansa.

Matatandaa­n na noong Marso 2006, nang ipasara ang malaking bahagi ng entry points ng bundok dahil nasalaula ng mga umaakyat sa bundok, at hanggang ngayon ay nananatali pa rin sarado ang ilang lugar na dinarayo sa nasabing bundok.

Ang ilang sa mga lugar na ito ay ang Kinabuhaya­n, Kristalino Falls, Dungaw, Tatlong Tangke sa bahagi ng Dolores, Quezon at simula Barangay Bugon, Puesto ng Pagbuga hanggang Dulong Ilaya ng Barangay Concepcion­Pinagbakur­an at Concepcion­Banahaw sakop naman ng Sariaya, Quezon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.