Dalaga, tiklo sa pagbebenta ng drugs

Balita - - Balita - Orly L. Barcala

Kahit pa pataas ng pataas ang bilang ng mga nahahawaan ng coronaviru­s diseases 2019 (COVID19) sa bansa, nagawa pa rin ng isang dalaga na magbenta ng iligal na droga sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Gayunman, hindi nagkamali si Lourdes Caguia, 25, taga- Phase 1A, Hapaap Street, Barangay North Boulevard South, Navotas City, dahil ang kanyang binentahan ay ang police poseur buyer na si Corporal Cesario Laang-Ay na miyembro ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) ng

Malabon Police Station.

Hindi na aniya nakapalag ni Caguia nang dakpin ng grupo ni Laang-Ay sa C. Arellano Street, Barangay Concepcion, dakong 4:00 ng madaling araw.

Nasamsam sa kanya ang P58,344 halaga ng iligal na droga at marked money.

Kinasuhan na ang suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.