Paglaban sa ‘di nakikitang kaaway
HINDI ito inasahan ng sinuman, kahit pa ng mga bansang may pinakamagandang sistemang pangkalusugan sa mundo. Nagsimula sa isang panganib na tumama sa China, kumalat na sa buong mundo ang COVID-19 at ngayo’y nakaapekto na sa 197 bansa, kabilang ang Pilipinas at isang international conveyance, ang cruise ship ng Diamond Princess.
Sa datos na inilabas ng WHO noong Marso 25, mayroon nang kabuuang 552 positibong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas, 35 ang namatay habang 20 ang naka-recovered. Katumbas ito ng
limang kaso sa bawat isang milyong populasyon, habang ang pagkamatay ay nasa 0.2% kada milyon.
Tiyak kapalit nang paglaban sa hindi nakikitang kalaban tulad ng COVID-19 ay tiyak na may malaking epekto sa paglago ng bansa. Iba’t ibang prediksyon ang iniaalok ngunit karamihan sa nangingibabaw ay ang banta sa ekonomiya. Kapag nangyari ito tiyak ang pagkabigo na makuha ang target na pag-unlad.
Ipinaliwanag ng mga eksperto na makaaapekto lamang ang recession sa gross national product ng bansa at mangyayari lamang kapag nakapagtala ng negatibong paglago sa dalawang magkasunod na bahagi ng taon. Sakop nito ang kalakalan at ugnayang pan-industriya, kasama ng iba pa. Hindi naman sakop ng komputasyon ang kita mula sa abroad, na nakadaragdag din sa katatagan ng ating ekonomiya sa usapin ng reserba ng dolyares.
Ang kasalukuyang krisis
pangkalusugan, ayon sa isang ekonomista, ay maaaring itumbas sa trilyong pisong pagkalugo para sa estado, halos one third ng pambansang budget. Kung tatayaan, ang resultant deficit, kung saan kabilang ang nawalang mga trabaho, nagsarang mga kumpanya, pagkawala ng produktibifaf, at tax at revenue, nangangahulugan ito ng pagtaas ng foreign debts at pagbagal ng ekonomiya.
Gayunman, may isa pang ‘di nakikitang kalaban, na una nang ideklarang lalaban ni Pangulong Duterte—ang nagpapatuloy na kurapsyon sa pamahalaan. Sa ilalim ng kasalukuyang kondisyon, higit na mahirap matukoy at masawata ang mga tiwaling opisyal.
Maging ang pambansang pamunuan na humiling ng paglaan ng P275-billion emergency na inaprubahan ng Kongreso, kung hindi mababantayang mabuti, ay maaaring samantalahin, nang maparaang
kawatan.
Gaano kalupit man kalupit ang inaasahan, karapat-dapat pa rin saluduhan ang mga Pilipino para sa kanilang resiliency na makaraos at makasabay sa pinakamahihirap na sitwasyon. Saan ka makakakita sa mundo ng mga taong nakangiti sa gitna ng trahedyang nangyayari sa kanilang paligid? Tanging sa Pilipinas lamang. Kamangha-mangha man isipi, ngunit lumilikha rin ang katangiang ito ng ibang impresyon.
Sa katunayan, ang pinakamalaking kalaban nating kailangang harapin ang pag-aalinlangan nating ilantad ang mga nagpapahirap sa ating buhay sa gitna ng mga sitwasyong ganito. Kapag patuloy nating nilalabag ang mga kautusan sa gitna ng krisis, patuloy na makalalamang ang mga kalaban. Tunay naming kailangan natin ang dasal upang makayanan ang banta ng COVID-19, at resolbahin ang pagsisiwalat at paglalantad sa mga kurapsyong bumabalot sa atin.