Karahasan sa panahon ng epidemya

Balita - - Opinyon - Fr. Anton Pascual

SA likod ng community quarantine ng buong Luzon, marami ang balisa, hindi lamang dahil sa coronaviru­s 2019, kundi sa karahasang maaaring lumala kapag hindi makalabas sa tahanan. Ito kapanalig, ang huwag nating pagkaitan ng tulong ngayong

panahon ng malaking krisis sa buong mundo.

Marahil nababasa na ninyo o naririnig na sa iba-ibang bansa sa mundo, dumami rin ang mga insidente ng karahasan sa loob ng tahahan dala ng malawakang shutdown ng maraming siyudad sa mundo. Para sa maraming kababaihan at bata, ang lockdown ay isang trap – bitag na naglalagay sa kanila sa panganib.

Ayon nga sa World Health Organizati­on, isa sa tatlong babae ang nakakarana­s ng pisikal o sekswal na pang-a-abuso, kaya nga’t tinuturing ito na isa mga laganap na human rights abuses sa buong mundo. Ayon nga sa mga datos, naging triple ang dami ng mga domestic violence cases na naitala ng mga kapulisan sa Tsina noong Pebrero. Sana ay huwag naman

mangyari iyan sa ating bansa.

Maliban sa karahasan sa loob ng tahanan, ang lockdown ay maaring maging mitsa rin ng karahasan laban sa mga kababayan nating pilit na lumalabas ng bahay kahit ipinagbaba­wal na. Ito nga lang nakaraang mga araw, may isang 69 anyos na pulubi ang inaresto dahil natutulog sa kalye lampas ng curfew. May mga naaresto rin at hindi agad nailabas sa piitian dahil wala na ang mga piskal. May nakakagula­t din ngang balita kung saan may mga kabataang kinulong sa loob ng dog cage dahil sa pagtambay sa labas lampas ng curfew.

Kapanalig, ang ating community quarantine ay para sa kaligtasan nating lahat. At tunay itong magiging salbasyon ng mga mamamayan kung

masisiguro din natin na ligtas ang bawat isa sa loob at labas ng tahanan.

Malinaw ang hamon sa atin ng panahon: May pananaguta­n tayo sa bawat isa. Sa ating pagnanais na maging tagumpay ang community quarantine, huwag pa rin nating kalimutan ang kahalagaha­n ng karapatang pantao ng bawat isa. Kahit kailan, umulan man o bumagyo, dumating man ang kahit anong delubyo, ang karapatang pantao, ang angking dignidad ng bawat isa sa atin, ay hindi mawawala.

Ang mga kataga mula sa Mater et Magistra ay maging inspirasyo­n sana natin ngayong panahon ng krisis: Hindi maaaring magkaroon ng hustisya o kapayapaan sa mundo, hangga’t ang mga tao ay hindi napagtanto ang kahalagaha­n ng kanilang dignidad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.