‘Kapit-Bisig Helpline’ itinatag ng DOH-CALABARZON
Itinatag ng Department of Health (DOH) sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) kamakailan ang “Kapit-Bisig” Helpline na makakatulong sa mga taong nakakaranas ng stress at pagkabalisa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic at iba pang mental health concerns.
Ang “Kapit-Bisig” Helpline ay isang psychosocial support project ng Mental Health Program ng DOHCALABARZON, na itinatag sa rehiyon, alinsunod sa direktiba ni Regional
Director Eduardo C. Janairo at inaasikaso ng trained providers ng mental health and psychosocial support service (MHPSS) at psychological first aid (PFA).
“Nakikita natin ito sa mga social platforms like Facebook, wherein people are posting and expressing about their worries and fears sa COVID-19. Me mga humihingi ng tulong on how to manage themselves during this pandemic,” wika ni Janairo.
Kabilang sa mgabmaaaring tugunan ng helpline ay ang mga dumaranas ng depresyon na may suicidal thoughts, panic attack, anxiety disorder, hallucination, adjustment disorder at bipolar disorder.
Ayon kay Paulina A. Calo, Regional Mental Health Coordinator ng DOHCALABARZON, ang “Kapit-Bisig” Helpline ay gumagamit ng online platform gaya ng Facebook at Messenger, para makapagbigay ng psychological first aid, Psychological interventions, Psychiatric Consultation and Treatment, at Referral sa iba pang health-related services.