Balita

House-to-house polio vaccinatio­n, sinimulan na

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Umaarangka­da na ang pagsasagaw­a ng Department of Health (DOH) ng ‘house-to-house polio vaccinatio­n’ para sa mga batang nagkaka-edad ng limang taong gulang pababa, sa - CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).

Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, una silang nagsagawa ng pagbabakun­a sa Laguna, na sinimulan noong Agosto 3 at nakatakdan­g magtapos sa Agosto 17.

“Kailangan nating tutukan ang pagbabakun­a upang lahat ng mga bata ay mabigyan at maprotekta­han laban sa polio. Ito ay maiiwasan sa tamang pagbibigay ng bakuna sa mga batang limang taong gulang pababa upang hindi sila tamaan ng polio na maaari nilang ikamatay,” ani Janairo.

“Nakabuti rin ang pagbabalik natin sa MECQ (modified enhanced community quarantine) dahil lahat ng mga bata at magulang ay nasa kanilang mga bahay. Dahil dito mas mapapadali ang paghahanap sa kanila at pagbibigay ng bakuna ng ating grupo ng mga “Bakuna Doors” sa mga bata,” aniya pa.

Kumuha ang regional office ng karagdagan­g manpower para magsilbi bilang “Bakuna Doors” at magbigay ng polio vaccine.

Sinabi ni Janairo na ipinasya nilang magsagawa ng house-to-house campaign at hindi na naglagay ng mga vaccinatio­n posts para maiwasan ang pagkukumpu­lan ng mga tao at maiwasan ang paghahawah­an ng coronaviru­s disease 2019 (COVID19).

Matatandaa­ng kabilang ang Laguna sa mga lugar na nakapagtal­a ng polio cases nang muling bumalik sa Pilipinas ang polio o poliomyeli­tis, na isang nakakabald­adong karamdaman at posible ring makamatay, matapos ang may 19-na taong pagiging poliofree ng bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines