Tweet ni Mahathir na ‘Muslims can kill French’ binura ng Twitter
“Quite clearly, it is France that is being attacked,” sinabi ng president, sumumpa na ang bansa “will not give up on our values”.
Ang France ay naging target ng laganap na galit sa mundo ng Islam matapos ang pangako ni Macron na lalabanan ang mga radikal matapos ang pamumugot sa isang guro noong ng Oktubre 16 ng isang ekstremista nang ipakita niya sa mga estudyante ang mga cartoon ni Propeta Mohammed sa isang aralin sa malayang pamamahayag.
KUALA
LUMPUR (AFP)—
Nag-tweet ang dating premier ng Malaysia na si Mahathir
Mohamad nitong
Huwebes na ang mga Muslim ay may karapatan
“to kill millions of
French people” matapos ang madugong pagatake sa Nice, na nagbunsod ng malawak na galit at nag-udyok sa Twitter na tanggalin ang kanyang post.
Tatlong tao ang pinatay sa isang simbahan sa katimugang lungsod ng France, na itinuturing ng mga awtoridad bilang pinakabagong pag-atake ng jihadist upang mabagabag ang bansa.
Makalipas ang ilang sandali, si Mahathir - ang prime minister ng Malaysia na karamihan ng mamamayan ay Muslim hanggang sa bumagsak ang kanyang gobyerno noong Pebrero - ay naglunsad ng isang pambihirang pagsabog sa serye ng mga tweet.
Unang tumanggi ang Twitter na alisin ang mga komento, ngunit sa wakas ay ginawa ito kasunod ng galit na reaksyon mula sa French government.
Sinabi ni Cedric O, ang French junior minister for digital affairs, sa isang tweet sa French at English: “I just spoke with the MD (managing director) of @TwitterFrance.
“The account of @chedetofficial must be immediately suspended. If not, @twitter would be an accomplice to a formal call for murder.”
Nauna nang pinuna ng Twitter na ang tweet ni Mahathir tungkol sa pagpatay sa milyun-milyong French ay “glorifying violence” ngunit hindi ito tinanggal. Gayunpaman, ilang sandali pagkatapos, tinanggal ang buong tweet, at sinabi ng Twitter sa AFP na dahil ang mga komento “violated policy regarding glorification of violence.”