Radio Veritas, nag-aalok ng E-Mass cards para sa All Souls’ Day
NGAYONG All Souls’ Day at All Saints’ Day, inanunsyo ng Radio Veritas ng simbahan na ang Our Lady of Veritas Commemorative Electronic Mass cards
ay available na at walang lnakakabit na presyo sa mga ito.
Sinabi ng Radio Veritas na ang E-Mass card ay partikular na maiaalok sa mga pamilya ng frontliners at mga biktima na namatay sa panahon ng coronavirus pandemic.
Ang Mass card, kadalasang nakukuha mula sa isang parokya, ay ipinapadala da mga nagdadalamhating pamilya na nawalan ng mahal sa buhay
nagpapahiwatig na ang sender ay nag-ayos ng isang Misa para ialay sa namatay.
“In memory of our fallen front liners who fought hard during this pandemic, we offer you the Our Lady of Veritas Commemorative Electronic Mass card to be offered to the family of our fallen heroes and victims,” sinabi ng Veritas sa kanyang website.
Idinagdag nito na ang E-Mass card ay maaring
ipadala sa pamamagitan ng electronic mail.
Sinabi ng Radio Veritas na walang presyo ang E-Mass card, ngunit ang mga bumili nito ay maaaring pumili na magbigay ng love offering o donasyon sa pamamagitan ng DZRV Radio Veritas Foundation, Incorporated: Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210/Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876/BPI Savings
Account No.: 0213-3251-91/ at PNB – Savings account No.: 105-910-013-0910.
Para mag- avail ng E-Mass card, bumisita sa www.veritas846.ph/ undasveritas2020 at magbigay ng mga kinakailangang detalye tulad ng inyong pangalan, contact number, email, pangalan ng frontliner, at ang pangalan at email ng tatanggap.