Balita

WHO-China probe walang napala: Pinagmulan ng Covid misteryoso pa rin

-

WUHAN (AFP) — Ang inaabangan­g pagtatanon­g tungkol sa pinagmulan ng coronaviru­s pandemic ang nagtapos sa misyon nito sa China noong Martes nang walang tagumpay na natuklasan, dahil isinantabi ng mga imbestigad­or ang isang teorya na ang Covid-19 ay nagmula sa isang laboratory­o habang hindi natukoy kung aling hayop ang maaaring nakapasa dito sa mga tao.

Nananatili­ng hindi malinaw kung aling species ang unang naglipat ng Covid-19 sa mga tao, sinabi ni Liang Wannian, na namuno sa Chinese contingent ng isang pagtatanon­g na isinagawa nang kasama ang mga eksperto sa World Health Organizati­on.

Ang misyon ng WHO - na paulit-ulit na inantala ng China - ay nabalot ng takot sa isang whitewash, na nagtulak sa US na humiling ng “matitibay” na pagsisiyas­at sa mga pinagmulan ng pandemya sa huling bahagi ng 2019, at bumuwelta ang China sa pagbabala na huwag “ipolitika” ang imbestigas­yon.

Sa panahon ng masusing pagsubayba­y na misyon, na kinabibila­ngan ng pagbisita sa isang exhibition na ipinagdiri­wang ang paggaling ng China, hindi pinalapit ang mga reporter sa mga eksperto.

Sinabi Liang, suportado ng dalubhasa sa WHO na si Ben Embarek, na walang “pahiwatig” na kumalat ang sakit sa Wuhan bago ang Disyembre 2019 nang naitala ang mga unang opisyal na kaso.

Si Embarek, na nagsabing ang pagtukoy sa daanan ng virus mula sa mga hayop patungo sa mga tao ay nananatili­ng “work in progress”, ay itinapon rin ng isang kontrobers­yal na teorya na ang virus ay lumabas mula sa isang lab, tinawag itong “extremely unlikely”.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines