Balita

Nigeria gangster na dumukot sa mga magaaral sumuko para sa amnestiya

-

KANKARA (AFP) — Sumuko ang isang lider ng Nigerian criminal gang na nasa likod ng pagdukot sa daan-daang mga mag-aaral sa hilagang-kanlurang estado ng Katsina noong Disyembre sa mga awtoridad sa isang kasunduan sa amnestiya, sinabi ng mga opisyal noong Martes.

Pinangunah­an ni Auwalun Daudawa ang dose-dosenang mga armadong lalaki na dumukot sa mga mag-aaral mula sa kanilang mga hostel sa paaralan sa bayan ng Kankara sa isang krimen na pumukaw sa pandaigdig­ang pagkagalit at nagbigay-diin sa lumalaking kaguluhan sa hilagang-kanluran ng bansa.

Ang Northweste­rn Nigeria ay niligalig ng mga criminal gang na sumalakay sa mga nayon, nagbakae ng mga baka, kumidnap para sa pantubos at nagsunog ng mga bahay pagkatapos ng pagnanakaw, na nagdaragda­g sa mga hamon sa seguridad sa isang bansa na nakikipagl­aban sa isang dekada nang mahabang insurhensy­a ng jihadist.

Ang pagdukot sa Kankara ay nangyari noong bumisita si President Muhammadu Buhari sa kanyang estado sa Katsina. Nakatakas ang ilang mga mag-aaral at sinabi ng mga opisyal na 340 ang napalaya makalipas ang ilang araw sa negosasyon.

Sumuko si Daudawa sa mga lokal na opisyal nitong Lunes kasama ang anim sa kanyang mga miyembro ng gang.

“Auwalun Daudawa handed over the weapons and also... swore with the Holy Quran not to revert to his old ways,” sinabi ni Zailani Bappa, tagapagsal­ita ng lokal na pamahalaan.

Nagtatago ang mga bandido sa mga kampo sa kagubatan ng Rugu, na sakop ng mga estado ng Zamfara, Katsina, Kaduna at Niger. Sa kabila ng paglalagay ng mga tropa sa Zamfara at Katsina ay nagpapatul­oy ang mga nakamamata­y na pag-atake.

Ang mga tulisan ay pumatay sa humigit kumulang na 8,000 katao mula pa noong 2011 at nagpuwersa ng paglikas ng 200,000 residente. Kabilang sa mga taktika ng mga gang ang pag-atake sa mga manlalakba­y sa mga pekeng checkpoint sa highway at pagdukot sa kanila. Karaniwang pinakakawa­lan ang mga hostage pagkatapos magbayad ng ransom.

Nakipagneg­osasyon ang gobyerno para sa peace deals sa mga tulisan, at inalok sila ng amnestiya kapalit ng pagsuko ng kanilang mga armas.

Ang pagsuko ni Daudawa ay bahagi ng amnestiya na inalok sa mga tulisan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines